Random drug testing sa PNP palalawigin
- Published on January 11, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na palalawigin ang random drug testing sa lahat ng tauhan upang malaman kung sino ang gumagamit nito.
Ang paniniyak ay ginawa ni Sinas matapos na magpositibo sa si Cpl. John Rey Ibasco ng Regional Logistics and Research Development Division 13 (RLRDD-13).
Mula noong 2016, mayroon nang 16,839 police officers ang naparusahan sa PNP. Sa bilang na ito, 4,784 pulis ang inalis sa serbisyo, 8,349 ang nasuspinde, 1,803 ang pinagsabihan at pinaalalahanan habang 564 tauhan ng PNP ang inalis sa serbisyo dahil sa iligal na droga.
Ani Sinas, dapat na maging ehemplo ang pulis at pairalin ang disiplina sa buhay at trabaho at pang-aabuso sa serbisyo.
-
Duterte tatakbong VP sa 2022 elections
Pormal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-eendorso sa kanya ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na tumakbong bise-presidente sa darating na halalan sa Mayo 2022. Inanunsiyo noong Martes ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, executive vice president ng PDP-Laban, na pumayag na ang Pangulo sa alok ng partido […]
-
Philippine Sports Commission at National Collegiate Athletic Association , nakipagpulong sa opisyales ng Samahang Basketbol ng Pilipinas tungkol sa isyu ni John Amores
Nakipagpulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga kinatawan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), para talakayin ang mga isyung bumabalot sa Jose Rizal University player na si John Amores. Sa isang pahayag, inilarawan ito ng Phil. Sports Commission bilang isang “coordination meeting” habang patuloy na tinitingnan ng fact-finding […]
-
Ads October 25, 2022