• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RAVENA PURNADA ANG BL ALL-STAR GAME ‘21

BUNSOD ng pilay sa kamay, hindi na makakabahagi sa B.League All-Star Weekend 2021 si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, sa Adasutria Mito Arena sa Mito City, Ibaraki Prefecture, Japan sa darating na Enero 15-16.

 

Kasama ang 24-anyos, 6-2 ang taas na shooting guard sa B.White team na lalaban sa B.Black squad sa ikalawang araw ng okasyong All-Star Game, makaraan rin sana sa pagsagupa niya sa slam Dunk Competition sa unang taon niya sa liga bilang Asian import ng San- En Neophonix.

 

Pero nabalian siya sa ikaapat na daliri ng kanang kamay sa laro ng team niyang San-En sa liga nitong Sabado, Enero 2 kontra Sun Rockers Shibuya nang sikaping habulin ang loose-ball sa third period ng game.

 

Pinahayag na nitong Miyerkoles ng liga ang hahali sa Pinoy cager na si Takuya Kawamura ng SeaHorses Mikawa. Gayunman, wala nang rerelyebo sa kanya sa dakdakan sa midyear extravaganza ng professional cage league.

 

Inamin sa nakalipas na Martes ni Ravenan na daraan siya sa matinding gamutan at pagpapagaling sa dinanas. Pero nagpasalamat siya sa mga nagpaabot sa kanya na gumaling agad. Malamang na abutin ng isa’t kalahating buwan ang injury bago tuluyang gumaling.

 

“We are now in the process of getting myself back to a hundred percent as soon as we can but I do understand that it will be an arduous journey to recovery,” anang basketbolista. (REC)

Other News
  • Pagmamahal ng aktor walang hanggan at katapusan: KATHRYN, pinasalamatan si DANIEL sa ’11 beautiful years’

    PAGKATAPOS ng ilang buwan na pinag-uusapan na nagkahiwalay na ang minamahal na loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nakumpirma na nga ito noong November 30. Pareho na ngang nagsalita sina Kath at DJ at inaming hiwalay na sila kasabay ng pakiusap na irespeto muna ang kanilang privacy. Sa mahabang Instagram post ni Kath sinimulan […]

  • Mariupol siege, tinapos na ng Russia at nagdeklara ng “compete victory”

    IDINEKLARA na ng Russia ang panalo nito matapos ang ilang buwang pakikipaglaban para masakop ang port city ng Mariupol sa Ukraine.     Ayon sa Moscow officials, sumuko na ang nalalabing Ukrainian fighters na nagdedepensa sa Azovstal steel plant sa kabisera.     Ang naturang planta ang nagsilbing huling kanlungan ng Ukrainian forces para pigilan […]

  • NOEL, hawak pa rin ang youngest Hall of Famer ng ‘Aliw Awards Foundation’; bida na sa ‘Nina Nino’ kasama si MAJA

    BIDA na sa isang primetime TV show ang former child actor na si Noel Comia, Jr.     Silang dalawang ni Maja Salvador ang lead stars ng Nina Nino na nag-premiere sa TV 5 last Monday, part ito ng Toda Max Primetime after ng Sing Galing at bago mag FPJ’s Ang Probinsyano.     First […]