• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Reassessment ng listahan ng 4Ps list, matatapos sa Setyembre-DSWD

MATATAPOS sa Setyembre ang ginagawang reassessment ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

 

 

Sinabi ni DSWD Secretary  Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang na may 700,000 pamilya ang ni-reassessed upang makita kung kailangan na ikonsidera pa ang mga ito bilang mahirap at maging benepisaryo ng  cash assistance program ng gobyerno.

 

 

“So ongoing iyong reassessment ngayon at matatapos iyan ng September para talagang masigurado natin na masala natin nang mabuti iyong dapat kasama sa 4Ps program, kasama sa program – iyong dapat hindi na kasama sa program, hindi na kasama sa program,”  ani Gatchalian.

 

 

“Sinigurado lang natin talagang na… like I said, na nafi-filter nang maayos. Pero come end of September, tapos na iyong reassessment na iyon and then what we can do next is now start paying them. At mabilis naman sa department dahil nga naka-cash card naman ‘yang mga ‘yan – once the fund is obligated, disburse kaagad iyon,” dagdag na wika nito.

 

 

Matatandaang inatasan ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang DSWD na ituloy ang pag-calibrate sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at pagbuo ng iba pang social protection initiatives ng gobyerno.

 

 

Nanawagan si Marcos sa ahensya na ipagpatuloy din ang pagpapatupad sa Unconditional Cash Transfer program upang makapagbigay ng cash grants para sa mahihirap na households at indibidwal.

 

 

Maliban dito, pinaiigting din ng Punong Ehekutibo ang Social Pension Program para sa mga Indigent Senior Citizens bilang paraan para ma-augment ang kanilang araw-araw na pangangailangan at medical needs.

 

 

Samantala, kinilala naman ng Pangulo  ang mga hakbang ng DSWD sa pagbawas sa kahirapan at gutom, maging ang pagkamit sa upper-middle income status sa 2025.  (Daris Jose)

Other News
  • Panukala sa binagong Wildlife Resources Conservation and Protection Act, aprubado na

    Inaprubahan ng House Committee on Natural Resources na pinamumunuan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, ang draft substitute bill na naglalayong baguhin ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act, na tinalakay sa isang online na pagdinig.   Ang substitute bill ay para sa House Bill 265 na inihain ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez Sato, HB […]

  • 3 dalaga nalambat sa P1.1 milyon shabu sa Navotas

    UMABOT sa mahigit P1.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong dalaga na umano’y sangkot sa illegal na droga matapos malambat sa buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang mga naarestong suspek na sina Kyla Marie Legaspi, […]

  • Pagbaba ng satisfaction rating ni Pdu30, hindi alarming- Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, hindi maituturing na alarming kundi “very good” pa rin ang pinakahuling satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumaba sa 75% base na din sa inilabas na survey ng SWS.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, wala namang Presidente na hindi bumaba ang kanyang trust at satisfaction rating habang papalapit […]