• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Red alert’ sa suplay ng kuryente asahan – DOE

Inaasahan na magkakaroon ng “red alert” o manipis na supply ng kuryente sa susunod na linggo.

 

 

Ito ang sinabi ni Director Mario Marasigan, director ng Electric Power Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE) sa pagdinig ng Senate Committee on Energy ni Sen. Win Gatchalian.

 

 

Paliwanag ni Marasigan, inaasahan ang red alert sa linggong papasok o sa Hunyo 24 at maaaring abutin ito hanggang week 30 o hanggang sa susunod na anim na linggo.

 

 

Base umano sa nakuha nilang datos sa National Grid Corporation ay magsasabay-sabay ang maintenance ng mga planta ng mga kuryente.

 

 

Kapag red alert ay nanganganib ang brownout, subalit nilinaw ni Marasigan na hindi nila agad sinasabi na potensyal ang mga brownout dahil mayroon naman silang ginagawang mga mekanismo. (Daris Jose)

Other News
  • Vaccine rollout sa Quezon City, umarangkada na rin

    Sinimulan na rin ang pagbabakuna sa mga health workers sa Quezon City  General Hospital, ang isa sa QC run hospital na tumanggap ng 300 doses ng Sinovac vaccines mula sa pamahalaan.     Pinangunahan ni QC mayor Joy Belmonte ang pagbabakuna sa may 300 healthcare workers na lu­magda sa programa. Ang mga healthcare workers lamang […]

  • Seguridad sa South Metro pinaigting, higit 2K pulis ikakalat

    KASADO na ang planong “Ligtas Paskuhan 2023” upang maagap na bantayan ang kaligtasan at seguridad ng mga residente at mga dumarayo sa katimugang bahagi ng Metro Manila na nasa hurisdiksyon ng Southern Police District (SPD).     Sinabi ni SPD officer-in-charge P/Brig General Mark Pespes, ang deployment plan ng mga tauhan ay kinabibilangan ng 2,425 […]

  • 2 lalaki sugatan sa pamamaril sa Malabon

    MALUBHANG nasugatan ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang ring lalaki sa Malabon city.     Parehong inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si Jesus Montante, 38 ng Blk 16, Lot 65, Phase 2 Area 3 Dagat-dagatan, at Arturo Espos, 53, vendor ng Blk 9B, Hito St., kapwa […]