• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Reenacted budget para sa 2025, hindi pinag-usapan- Malakanyang

HINDI napag-usapan at tinalakay ang potensiyal na reenacted budget para sa 2025.

 

 

Nagkaroon kasi ng masusing pagrerebisa sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ang mga miyembro ng kanyang gabinete sa 2025 General Appropriations Bill (GAB), dalawang araw bago ang Kapaskuhan.

 

 

Nakapulong ng Pangulo sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, at ang mga economic manager para suriing mabuti ang panukalang P6.352-trillion 2025 national budget sa Palasyo ng Malakanyang.

 

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez na ang printed copy ng spending bill ay hapon na ng Disyembre 20 natanggap ng Malakanyang.

 

Gayunman, umaasa ang Pangulo na malalagdaan niya ang budget bill bago matapos ang taon.

 

“In the two meetings I attended with them, there was no mention of that,” ang sinabi ni Chavez nang tanungin ukol sa posibilidad ng reenacted budget para sa 2025.

 

Matatandaang, noong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulong Marcos na hihimaying mabuti ng Office of the President (OP) ang 2025 budget, lalo na ang probisyon na naglalarawan ng matinding pagkabahala.

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na hahanap siya ng paraan para maibalik ang P10-billion na tinapyas sa budget ng Department of Education para sa 2025.

 

Samantala, idinepensa naman ni Pangulong Marcos ang hindi paglalaan ng anumang subsidiya para sa Philippine Health Insurance Corp. para sa susunod na taon, tinukoy ang tinatayang reserve ng PhilHealth na P500 billion bilang patunay ng financial stability nito. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Di magbabago ang relasyon sa TAPE at sa Dabarkads: GMA Network, nilinaw na hindi kontrolado ang nangyari sa ‘Eat Bulaga!’

    NILINAW ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes na hindi kontrolado ng GMA Network ang mga nangyari sa “Eat Bulaga,” na nauwi sa pag-resign nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon, at iba pang hosts sa TAPE Inc.     Ikinalungkot nga raw ng Kapuso network ang mga biglang naganap sa longest-running noontime […]

  • Ads March 30, 2022

  • NBA ipinagmalaki na walang dinapuan ng COVID-19 sa All-Star games

    Ipinagmalaki ng NBA na wala silang naitalang anumang nadapuan ng COVID-19 pagkatapos ng NBA ALL-STAR GAME.     Kasunod ito sa pangamba ng ilang manlalaro na pinangungunahan ni LeBron James na maaring dumami ang kaso ng COVID-19 dahil sa All-star games.     Ayon sa NBA na mahigpit nilang ipinatupad ang pagsasailalim sa tatlong beses […]