Reflect on lies, overcome bitterness
- Published on September 17, 2022
- by @peoplesbalita
PINASARINGAN ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kanyang mga kritiko na nagpakalat at pumuna na ginamit niya ang presidential chopper para sa kanyang personal trips.
Sa isang kalatas, sinabi Duterte na umaasa siya na magmumuni-muni sa kanilang mga kasinungalingan ang mga taong nasa likod ng malisyosong pahayag na ito.
“I believe that a person who can conjure a lie from an appreciation post — that a helicopter is being used to go home every day, even giving in to the itch of maliciously suggesting that it is for personal use — should seriously reflect on why he had to lie,” ayon kay Duterte.
Giit nito, isang appreciation post ang kanyang pagpapaskil sa kanyang social media account ng payagan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gamitin ang Bell 412 helicopter.
Pinasalataman kasi ni VP Sara si Pangulong Marcos na payagan siyang gamitin ang chopper para makasama ang kanyang pamilya.
“Thank you [President Bongbong] and your 250th [Presidential Airlift Wing] for ensuring that wherever I may be found in the country during the day, I am home in time to tuck my children to bed,” ani Duterte sa kanyang Facebook post, na may kasama pang larawan ng government aircraft.
Ang pasasalamat ani Duterte kay Pangulong Marcos ay para sa pagsuporta nito sa kanya bilang opisyal ng pamahalaan at sa kanyang personal duty bilang isang ina.
Pinasalamatan din ni Duterte ang presidential team para sa kanilang “tireless” work, gaya ng “hopping from one island province to another” para lamang mabisita ang mga Filipino.
Sa gitna ng usaping ito, pinayuhan naman ni Duterte ang mga taong nanlilibak sa kanya na “recognize his anger and overcome bitterness.”
“I think that if this person can recognize his anger, he will be able to overcome his bitter and spiteful self. Hopefully, he becomes a better version of himself — despite the cycle of hate that has enslaved him,” ayon kay Duterte.
Samantala, sinabi naman ng OVP na tinitingnan na nito ang posibilidad na maghain ng kasong kriminal laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon.
“Pinag-aaralan ho namin ‘yan, kung magku-qualify ‘yan sa isang kriminal na kaso, kasi marami rin hong naloko at nalinlang ang ganyang post. At alam naman ho nating ‘pag pinabayaan nating mag-propagate po ‘yan, minsan naniniwala ‘yung taong bayan ,” ayon kay OVP Spokesperson Reynold Munsayac sa isang video statement. (Daris Jose)
-
KELOT NALAMBAT SA P4.7M SHABU SA NAVOTAS
ISANG hinihinalang tulak ng iligal na droga ang arestado matapos makuhanan ng tinatayang nasa P4.7 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Saipoden Guinal, alyas “Saipo”, 31 ng RM 16 4th FLR, New […]
-
Arkong Bato Park sa Valenzuela City, bukas na
PINANGUNAHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian, kasama sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, City Councilors, Arkong Bato Punong Barangay at Council ang ribbon-cutting ng bagong gawang Arkong Bato Linear Park sa Marcelo H. del Pilar Street, Barangay Arkong Bato, Valenzuela City. Magtagumpay din naibalik ang monumento ni Kapitan Delfin […]
-
Kasinungalingan, laganap sa Pilipinas sa panahon ng halalan – Obispo
Malaki ang problema ng bayan kaugnay usapin ng katotohanan. Ito ang ibinahagi ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari at Panginoon ng Katotohanan sa gitna ng panahon ng halalan sa bansa. Ayon kay Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng […]