• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rehabilitation project sa NAIA, sisimulan na sa isang taon

SISIMULAN na sa susunod na taon ang rehabilitasyon at pagkukumpuni sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

Ito ang naging pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan  sa press briefing sa Malakanyang  kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na simulan na ang proyekto.

 

 

Sinabi ng Kalihim na  aabot sa P170 bilyong piso ang gagastusin sa naturang proyekto na magpapataas sa bilang ng mga pasahero   at magpapaganda sa air traffic movement.

 

 

Sa oras aniya na mayroon ng  winning bidder ngayong taon ay masisimulan na ang proyekto sa 2024.

 

 

Target aniya sa  rehabilitation sa NAIA  ay ang makasabay ang  Pilipinas sa iba pang mga bansa kung pag uusapan ay standards ng paliparan.

 

 

Inamin ni  Balisacan na napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga kalapit-bansa nito gaya ng Singapore at Thailand dahilan para kagyat na simulan ang proyekto.

 

 

Samantala, maliban  sa NAIA rehab, kabilang din sa inaprubahan ng NEDA board ang Samar Pacific Road Project at ekspansyon at  maintenance ng Lagindingan Airport sa Misamis Oriental. (Daris Jose)

Other News
  • Rider todas sa Ford ranger pick-up

    ISANG 32-anyos na rider ang nasawi matapos sumalpok ang kanyang minamehong motorsiklo sa isang Ford Ranger pick-up sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Paul Michael Abalaza, ng 110B Capaz St. 10th Avenue, Brgy. 63 ng lungsod. […]

  • Kimi, David lupet sa National Juniors Tennis Championships

    SWAK uli si Kimi Brodeth ng Ormoc City sa isa pang ‘twinkill’ samantalang saltong na pantayan ng batang si David Sepulveda ang una, pero nanalo at sumegunda sa wakas nitong weekend ng PPS-PEPP Baybay City National Juniors Tennis Championships sa Baybay courts sa Leyte.     Kumopo ng dalawang korona rin sa balwarte sa nagdaang […]

  • De la Hoya hindi aatrasan si Canelo

    Kilala si dating six division world champion Oscar de la Hoya na hindi umaatras sa hamon, mentalidad na dala pa rin nito hanggang ngayon sa edad na 47.   Nagpahayag si De la Hoya na muling babalik sa boksing upang lumaban at target umano nitong makasagupa ang tigasin nitong alagang si Saul “Canelo” Alvarez.   […]