• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rekonsiderasyon sa sinuspindeng oil search sa WPS, hiniling

HINILING ng Department of Energy (DOE) ang rekonsiderasyon sa sinuspindeng oil exploration activities sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Ang pahayag na ito ay matapos na ang oil at gas firm PXP Energy Corp. ay inatasan na itigil ang kanilang exploration activities sa kanilang service contracts sa WPS hanggang sa makakuha ito ng clearance mula sa Security, Justice, and Peace Coordinating Council (SJPCC), isang government cluster na nangangasiwa sa political, diplomatic, at national security concerns.

 

 

“The DOE is still waiting for the decision on its requests for reconsideration,” ayon kay acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar.

 

 

Ipinag-utos kasi sa DOE, noong Abril 6, ang suspensyon ng PXP Energy’s exploration activities para sa Service Contracts 72 at 75, dalawang sites off Palawan province, nakabinbin naman ang SJPCC’s approval.

 

 

Ang clearance mula sa SJPCC ay isang pre-condition sa kahit na anumang oil exploration sa WPS, “given the political, diplomatic and national security implications of any activity in the strategic waters.”

 

 

Ang paliwanag pa ni Andanar, ang oil search ay ipinagpaliban bilang pagtalima sa desisyon ng SJPCC.

 

 

“The survey was held in abeyance because of the decision of the Security, Justice, and Peace [Coordinating] Cluster or SJPC[C] in the Cabinet,” ayon kay Andanar.

 

 

Gayunman, sinabi ni Andanar, na hiniling na ng DOE ang agarang pagpapatuloy ng mga aktibidad para i-explore at exploit ang resources sa WPS.

 

 

Tinukoy din nito na iginiit ng DOE na ang geographical survey sa WPS ay “perfectly legitimate activity.”

 

 

“The DOE already asked the SJPC to reconsider the decision and to immediately allow the survey. The DOE sought reconsideration on the ground that under international law, a geophysical survey is a perfectly legitimate activity in any disputed area,” ayon kay Andanar. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • DRUG TEST SA DRAYBERS

    ‘DI mapuksang mga drug addict. Kahit pa madugo ang kampanya ng pamahalaan laban sa drug traffickers, patuloy pa rin ang pagkalat ng shabu at ka-bilang sa mga nalululong dito ay ilang jeepney dri-vers na namamasadang kargado ng shabu at lubhang delikado sapagkat nananagasa sila ng mga tumatawid na pedestrians at mga naghihintay na pasahero.   […]

  • Na-diagnose na may lung cancer, kaya gustong tulungan: JOHN, nagsimula ng fund-raising project para sa dating writer ng ‘Goin’ Bulilit’

    DAHIL marami na ang nakakapanood ng historical portal fantasy series na Maria Clara At Ibarra ng GMA-7 kaya naman ang mga Pinoy na naka-base sa ibang bansa ay hinihiling na lagyan ng English subtitles ang bawa’t episodes kapag pinapanood nila ito sa YouTube.   At hindi lang kasi mga Pinoy kundi pati foreigners na tumututok […]

  • Ads March 31, 2021