Religious gatherings restrictions sa GCQ areas, niluwagan pa ng IATF
- Published on February 15, 2021
- by @peoplesbalita
DAHIL hindi na tumataas ang attack rate ng Covid -19 at hindi na masikip ang mga hospitals kaya’t nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na i- relax o paluwagin ang restrictions sa mga relihiyosong pagtitipon o religious gatherings ng 50% sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine epektibo sa darating na Lunes, Pebrero 15.
“In other words, wala po tayong problema pagdating sa ating utilization rate,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“Specifically, religious gatherings in GCQ areas shall be allowed up to 50% of the seating or venue capacity,” ayon kay Sec. Roque.
Inaprubahan din aniya ng IATF sa idinaos na 99th meeting ang reopening o muling pagbubukas at expansion ng mga sumusunod na businesses/industries gaya ng driving schools; traditional cinemas, at video at interactive-game arcades; libraries, archives, museums, at cultural centers; meetings, incentives, conferences at exhibitions, at limited social events sa mga credited establishments ng Department of Tourism.
Inaprubahan din ang muling pagbubukas ng limited tourist attractions, gaya ng parks, theme parks, natural sites at historical landmarks.
“The reopening and further expansion shall be subject to the issuance of the implementing guidelines which will provide for the operational capacity, and oversight of the appropriate regulatory agency and the concerned local government units where these businesses/industries are located,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Ang mga businesses/industries ay kailangan na mag-comply o sumunod sa strict observance ng minimum public health standards na itinakda ng Department of Health.
Ani Sec. Roque, alinsunod ito sa katotohanan na kinakailangan natng magbukas pa ng ekonomiya dahil kinakailangang magkaroon ng karagdagang hanapbuhay ang mga mamamayan.
“Yung mga nabuksan nating industriya marami pong nagtatrabaho dyan na matagal nang walang hanapbuhay, ngayon po makapaghanapbuhay na sila muli,” ayon kay Sec. Roque Hinggil naman sa pagpayag na muling magbukas ang mga sinehan o traditional cinema ay sinabi ni Sec. Roque na “Well, gaya po ng sinabi ko, naaprubahan naman po yan pero it will be subject to gudielines to be issued not only by the Department of Health but also by the local government unit. sigurado po yan nandyan ang social distancing, kung ano ang isusuot habang nanunuod ng sine. Antayin na lang natin yung mga detalyeng ito na i-isyu ng Department of Health at mga lokal na pamahalaan.”
Tiniyak ni Sec.Roque na ito ay para talaga sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ dahil ang mga lugar na nasa ilalim naman aniya ng MGCQ ay talaga naman aniyang 50% capacity ang mga negosyo. (Daris Jose)
-
Pope Francis idinaing ang pananakit ng tuhod kaya hindi nakasalamuha ang mga tao
NAKARANAS ng pananakit sa tuhod si Pope Francis kaya hindi niya personal na nakasalamuha ang mga tao sa Vatican. Sinabi ng 85-anyos na Santo Papa na sumakit bigla ang kanyang kanang tuhod. Biro pa nito na temporaryo lamang ito at normal itong sakit ng mga may edad na. Kada […]
-
Bagong tayong 10 palapag na pampublikong elementary school sa Tondo, binuksan na
MATAPOS ang dalawang taon na pagpapatayo sa sampung palapag na gusali ng bagong Rosauro Almario Elementery School, pormal na itong isinalin ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa principal at mga guro para sa muling pagbubukas nito sa Tondo. Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang simbolikong pagbigay ng mga susi sa […]
-
Mataas na death rate na nai-record ng DOH ng nagdaang Marso at Abril na namatay dahil sa COVID
INIHAYAG ng mga eksperto na maliban sa mga matatanda at mga tinaguriang may commorbidities ay kasama ang mga nagpalipas pa muna ng ilang mga araw bago magpatingin sa duktor ang dahilan ng mataas na death rate na nai-record ng DOH ng nagdaang Marso at Abril na namatay dahil sa COVID 19. Sinabi ni Dr […]