• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rep. Arnulfo Teves sinuspinde ng 60-araw ng Kamara

PINATAWAN ng 60-araw na suspension si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves dahil sa pagliban sa session ng House of Representatives.

 

 

Umabot sa 292 na mga mambabatas ang bumoto na pumabor sa ulat ng House committee on ethics and previleges dahil sa hindi nito pagpasok kahit natapos na ang kaniyang authority to travel ng hanggang Marso 9.

 

 

Wala namang kumontra sa nasabing botohan.

 

 

Ang nasabing Committee Report 472 ay isinumite sa House committee on rules nitong Martes ng hapon.

 

 

Ayon kay House committee on ethics and privileges chair and COOP-NATCCO Party-list Rep. Felimon Espares na ang hindi pag-uwi ni Teves at hindi pagdalo sa duties nito sa House of Representatives ay nakakaapekto ng dignidad, integridad at reputasyo ng Kamara.

 

 

Dahil sa suspensyon ay may karapatan ang House of Representatives na magtalaga ng caretaker sa kanyang distrito. (Ara Romero)

Other News
  • City bus routes sa NCR, posibleng ibalik – DOTr

    PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) na muling maibalik ang mga ruta ng mga city buses sa Metro Manila, kasunod na rin ito ng muling pagbubukas ng mga paaralan sa Agosto.     Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil,  inirekomenda ng ahensiya ang pagbabalik ng pre-pandemic city bus routes, na karamihan ay pumupunta sa university […]

  • Galit daw ang ina ni Elisse kaya ‘di inimbita: McCOY, hindi nakapunta sa surprise birthday party ng anak

    WHAT this we heard na nagkakatampuhan daw ngayon ang magkaparehang sina Elisse Joson at McCoy De Leon.  Hindi raw kasi dumating ang huli sa surprise birthday celebration ng una. In fairness ang mommy ni Elisse ang lahat ng may plano sa nabanggit na pa surpresa para sa kaarawan ng anak. Inimbitahan daw ng ina ni […]

  • VFA OUT

    NAIPAALAM na ng gobyerno ng Pilipinas sa United- States ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA), magkakabisa ito pagkalipas ng 180 araw makaraang matanggap ang notice.   Kasunod nito ay matitigil na ang pagbisita ng US troops sa bansa para magsagawa ng exercise kasama ang Philippine troops. Nagsimula ang VFA noong 1998. Dalawang dekada na […]