Requests, proposals ng Estados Unidos ukol sa EDCA, kasalukuyang sinusuring mabuti-PBBM
- Published on December 2, 2022
- by @peoplesbalita
NIREREPASO ngayong mabuti ng Malakanyang ang “requests at proposals” ng Estados Unidos kaugnay sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Binanggit ito ng Chief Executive sa isang event sa Quezon City nang tanungin ukol sa nirerepasong Mutual Defense Treaty, isang 70-year-old accord na nag-aatas sa Estados Unidos na idepensa ang Pilipinas mula sa anumang pagsalakay.
“Well, the Mutual Defense Treaty is continuously under negotiation and under evolution. I always call it… it’s an evolution because things are changing. The request — there have been many requests and proposals from the Americans, especially under EDCA,” ayon kay Pangulong Marcos.
“So all of that is under study now to see what is really feasible and what will be the most useful for the defense of Philippine territory,” dagdag na wika nito sabay sabing “By early next year, we will have something more concrete to tell you.”
Taong 2014 nang tintahan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.
Mas madali nang makapapasok ang US military sa bansa matapos lagdaan ang 10-taong kasunduan, na pinaniniwalaang pangontra sa panghihimasok ng Chinese forces sa West Philippine Sea.
Pinangunahan ni dating Defense Secretary Voltaire Gazmin at U S Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang paglagda sa kasunduan sa Camp Aguinaldo, Quezon City higit tatlong oras bago ang pagdating ni Obama sa Ninoy Aquino International Airport bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa iba’t ibang bansa sa Asia.
Sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement, makapapasok ang puwersa ng Amerika sa piling kampo ng Armed Forces of the Philippines kung saan maaring ipuwesto ang mga fighter jet at barko de giyera nito.
Batay sa kasunduan, madadagdagan ang training opportunities ng dalawang panig, masusuportahan din ang modernization ng AFP at matutulungan itong matutukan ang maritime security, domain awareness at maging ayuda sa disaster relief capabilities ng bansa.
Base pa rin sa kasunduan, ang pananatili ng puwersa ng Amerika sa Pilipinas ay temporary at rotational basis. (Daris Jose)
-
2 tulak arestado sa higit P.4 milyon shabu sa Valenzuela
Mahigit sa P.4 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos masakote sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city. Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, bandang 8 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement […]
-
Bayanihan 3 Relief Package Bill, pasado na sa 2nd reading – Cong. Tiangco
MASAYANG inanunsyo ni Navotas Congressman John Rey Tiangco na pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang “Bayanihan to Arise as One Act” o “Bayanihan 3 Relief Package Bill”. Ayon kay Cong. Tiangco, bilang co-author ng panukalang batas na ito ay batid niya na maghatid ng ayuda sa bawat Pilipino at […]
-
Creamline nagkampeon sa PVL matapos ilampaso ang Akari
MULING nakuha ng Creamline Cool Smashers ang kampeonato sa PVL matapos tapusin ang pangarap ng AKARI sa winner-take-all title game. Nangibabaw ang Creamline sa score na 25-15, 25-23, 25-17 para maitala ang ika-siyam na kampeonato. Hindi naman nakapaglaro sa Creamline sina Alyssa Valdez, Tots Carlos, Jema Galanza at Jia de Guzman […]