Resolusyon sa pagpapaliban ng implementasyon sa cashless toll payment hanggang Enero 1, 2021, pinagtibay ng komite
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
Pinagtibay sa isang online na pagdinig ng House Committee on Transportation ang House Resolution 1367 na humihiling Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang ipagpaliban ang implementasyon ng cashless toll payments sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification (RFID) System hanggang Enero 1, 2021.
Inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang resolusyon matapos na isulong ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang huling araw para simulan ang pagpapairal ng cashless collection sa mga tollways mula Nobyembre 2 hanggang sa Disyembre 1 dahil sa mga panawagan ng mga motorista na hindi pa nakakapagpakabit ng RFID stickers sa kanilang mga sasakyan.
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Hipolito-Castelo na naniniwala siya na maigsi na lamang ang panahon bago ang Disyembre 1.
Ipinunto niya ang mahirap na pagpapakabit ng RFID online at on-site.
Sinabi rin ng mambabatas na may pagkakataon na nagkakaproblema rin at nagkakaroon ng technical glitches dahil may mga sensor na hindi nababasa ang RFID.
Iminungkahi ni Bulacan Rep. Gavini “Apol” Pancho na gamitin ang pinalawig na panahon mula Disyembre 1 upang magsagawa ng edukasyon at impormasyon sa mga motorista hinggil sa RFID.
“Yung pag-extend po natin ng deadline ay isabay po natin yung proper education of commuters para matulungan po sila, to include information on loading,” anang mambabatas.
Napansin ni Pancho na ilan sa mga toll payments sa RFID ay tinatanggihan. “Sira po yung system o nag-load sila (pero) di nag-antay ng tamang oras para ma activate yung load. There should be massive information of the Do’s and Don’ts of RFID. Mga gamit sa harap ng dashboard, nablo-block or deflect yung RFID sticker,” aniya. (ARA ROMERO)
-
Australian Open organizers papayagan ng makapaglaro si Djokovic
HANDA pa ring tanggapin ng Australian Open si tennis star Novak Djokovic para maglaro sa susunod na taon na magsisimula mula Enero 16 sa Melbourne. Sinabi ni Australian Open tournament director Craig Tiley, na kapag makakuha ng visa ang Serbian tennis star ay papayagan nila itong maglaro sa unang grand slam tournament ng […]
-
3 most wanted persons nabitag ng Valenzuela police
NALAMBAT ng pulisya ang tatlong most wanted persons sa ikinasang manhunt operations sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., dakong alas-12:30 ng tanghali ng February 27, nang maaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela CPS at Northern NCR […]
-
VAN NI KIM CHIU, PINAGBABARIL SA QC
KAAGAD pinawi ni Kim Chiu ang pangamba ng kanyang mga tagasuporta matapos ang kinasangkutang shooting incident sa van kung saan siya nakasakay bandang alas-6:00 kahapon ng umaga, Marso 4 sa bahagi ng C.P. Garcia Avenue, Katipunan Quezon City. Sa kanyang Instagram post, inihayag ng 29-year-old actress na nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nag-alala […]