Resolusyon sa pagpapaliban ng implementasyon sa cashless toll payment hanggang Enero 1, 2021, pinagtibay ng komite
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
Pinagtibay sa isang online na pagdinig ng House Committee on Transportation ang House Resolution 1367 na humihiling Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang ipagpaliban ang implementasyon ng cashless toll payments sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification (RFID) System hanggang Enero 1, 2021.
Inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang resolusyon matapos na isulong ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang huling araw para simulan ang pagpapairal ng cashless collection sa mga tollways mula Nobyembre 2 hanggang sa Disyembre 1 dahil sa mga panawagan ng mga motorista na hindi pa nakakapagpakabit ng RFID stickers sa kanilang mga sasakyan.
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Hipolito-Castelo na naniniwala siya na maigsi na lamang ang panahon bago ang Disyembre 1.
Ipinunto niya ang mahirap na pagpapakabit ng RFID online at on-site.
Sinabi rin ng mambabatas na may pagkakataon na nagkakaproblema rin at nagkakaroon ng technical glitches dahil may mga sensor na hindi nababasa ang RFID.
Iminungkahi ni Bulacan Rep. Gavini “Apol” Pancho na gamitin ang pinalawig na panahon mula Disyembre 1 upang magsagawa ng edukasyon at impormasyon sa mga motorista hinggil sa RFID.
“Yung pag-extend po natin ng deadline ay isabay po natin yung proper education of commuters para matulungan po sila, to include information on loading,” anang mambabatas.
Napansin ni Pancho na ilan sa mga toll payments sa RFID ay tinatanggihan. “Sira po yung system o nag-load sila (pero) di nag-antay ng tamang oras para ma activate yung load. There should be massive information of the Do’s and Don’ts of RFID. Mga gamit sa harap ng dashboard, nablo-block or deflect yung RFID sticker,” aniya. (ARA ROMERO)
-
WANTED SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN NA BUNTIS, ARESTADO SA MALABON
ISANG lalaking wanted dahil sa pananakit sa kanyang walong buwan buntis na live-in partner ang arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Rickman Serafin, 30 ng Blk 14G, Lot 14, Teacher’s Village, Brgy. Longos ay […]
-
Unang araw ng pambansang pagbabakuna, napakatagumpay- Sec.Roque
NAPAKAMATAGUMPAY ng nangyaring pambansang pagbabakuna ng Sinovac na nagsimula araw ng Lunes, Marso 1 sa iba’t ibang ospital sa bansa. Ipinagmalaki ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang dobleng bilang ng mga nagpabakuna sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan ay hindi ito inaasahan ng pamunuan ng PGH. “At least doon sa PGH kung […]
-
Bulacan, inilawan ang LED Christmas Tree
LUNGSOD NG MALOLOS – Isang mas maliwanag na panahon ng Kapaskuhan ang naghihintay sa mga Bulakenyo dahil sa nakatakdang pag-iilaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Christmas Tree na puno ng Light Emitting Diodes (LED) kahapon Nobyembre 24, alas-6:00 ng gabi sa harap ng gusali ng Kapitolyo dito. Tinaguriang “Pag-iilaw ng Krismas Tree […]