RESTOS PWEDE NANG MAG-OPERATE LAGPAS SA CURFEW
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
PINAYAGAN na sa Navotas city ang mga delivery, take-out at drive-thru services ng mga restaurants at iba pang food establishments ng lagpas sa 8PM–5AM citywide curfew hours.
Sa ilalim ng Executive Order No. 044 ay pinapayagan na ang mga food establishments na mag-operate lagpas sa curfew hours upang makapag-deliver ng pagkain sa loob at labas ng lungsod, at makapagsilbi ng take-out at drive-thru services only sa mga authorized persons outside of residence (APOR).
Sakop din ng order ang mga kainan sa loob ng grocery stores at supermarkets na mayroong delivery services.
Gayunpaman, ang dine-in na lagpas sa curfew hours ay ipanagbabawal, at ang mga hindi APOR ay bawal ding bumili ng pagkaing take-out o drive-thru mula 8PM-5AM.
“Mayroon pa ring nangangailangan sa mga serbisyo ng pagkain sa oras ng curfew na mga nagtatrabaho sa gabi, kabilang ang mga doktor, nars, iba pang health personal, driver ng ambulansya, call center agents, security guard at mga nagtatrabaho sa Navotas Fish Port Complex,” ani Mayor Toby Tiangco.
Kinakailangang mahigpit na ipatupad ng mga food establishments ang social distancing at iba pang safety protocols, at kailangan ding magsagawa ng masusi at regular na sanitation at disinfection. (Richard Mesa)
-
WANTED SA MURDER CALOOCAN, TIKLO NG NPD SA MALABON
NASAKOTE ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Malabon City ang isang lalaking wanted dahil sa kasong murder sa Caloocan City. Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU-NPD) chief PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Randy Deparoco, 44 ng Camia St., Brgy. Panghulo, Malabon City. Sa report […]
-
Higit 900-K pang Pfizer vaccines dumating sa Phl
Mahigit 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility ang dumating sa Pilipinas kahapon. Lumapag ang Emirates flight lulan ang 918,450 Pfizer jabs sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-4:00 ng hapon. Marso 1 ng kasalukuyang taon nang sinimulan ng Pilipinas ang vaccination program nito kontra COVID-19. […]
-
Anim na taon na sa pagbibigay ng inspirasyon: MARIAN, lubos ang pagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa ‘Tadhana’
ANIM na taon na ang Tadhana, ang award-winning drama anthology program ng GMA Public Affairs na pinapangunahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Sa patuloy ng pagbibigay-inspirasyon sa mga manonood, handog ng programa ang isang three-part special episode na nagsimula nitong Nobyembre 4. Pinamagatang “Secrets,” tampok sa anniversary special ang Sparkle […]