• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Resulta ng halalan, irespeto — PNP

KUNG  talagang mahal ninyo ang Pilipinas, igalang ang  resulta ng halalan.”

 

 

Ito ang apela sa publiko ni Police Maj. Gen. Valeriano De Leon, Deputy Task Force Commander STF NLE 2022 sa patuloy na protesta sa resulta ng nagdaang  eleksiyon.

 

 

“Patunayan ninyo na mahal talaga ninyo ang ating bansa at ito ay nag-uumpisa sa pag-respeto ng resulta ng halalan.

 

 

Nagsalita na ang taumbayan at maliwanag na ngayon kung sino ang magiging bagong presidente at bagong bise presidente, tanggapin natin ito ng bukal sa ating kalooban dahil ito ang desisyon ng mahigit tatlumpung milyong Pilipinong botante,” ani De Leon.

 

 

Sinabi ni De Leon na  may ilang grupo pa rin ang  nagsasagawa ng rally at protesta kung saan kinukuwestiyon ang umano’y iregularidad sa halalan.

 

 

Paliwanag pa ni De Leon, maituturing din na insulto sa mga guro, sundalo, pulis at coast guard personnel ang mga paratang na dayaan na walang matibay na ebidensiya.

 

 

Hindi matatawaran aniya ang mga sakripisyo ng mga ito upang matiyak lamang maisasagawa ng maayos at may kredibilidad ang May 2022 elections.

 

 

Gayunman, sinabi  pa ni De Leon, na ipatutupad pa rin nila ang maximum tolerance sa mga protesta alinsunod sa kautusan ni PNP Officer-In-Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao. (Daris Jose)

Other News
  • RICHARD, may pahabol na bonggang birthday gift sa asawa; netizens napa-’SARAH All’

    WALANG kupas talaga ang init ng pagmamahalan sa pagitan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.     Mukhang habang nasa lock-in taping pa si Richard ng Ang Probinsyano ay nagawa pa rin nitong supresahin ang kanyang isis na si Sarah. Nag-celebrate na silang dalawa ng birthday ni Sarah, pero may pahabol pa palang birthday […]

  • MMDA: 117 pedestrians, namatay noong 2019

    MAY 117 na pedestrians ang naitalang namatay noong 2019 ayon sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan sila ay tinatawag na “most vulnerable road users.”   Ayon sa datos ng MMDA sa ilalim ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System, noong 2018 ay mayroong 141 na pedestrians ang nasawi at 167 […]

  • Isang tao lang ang papayagang lumabas kada pamilya kapag nagsimula na ang two-week ECQ sa MM- Padilla

    SINABI ni National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr. na isang tao lamang sa kada pamilya ang papayagan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa oras na magsimula na ang two-week Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.   Ito’y habang hinihintay pa ang guidelines na gagamitin […]