• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Revised rules para sa “Green Lanes”, inaprubahan ng IATF

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) araw ng Huwebes, Hulyo 22, 2021, ang revised rules para sa “Green Lanes”.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pasahero na galing sa mga bansang kabilang sa green lanes ay magkakaroon lamang ng 7-day facility-based quarantine at RT-PCR testing matapos ang kanilang pang-limang araw na quarantine.

 

Kinakailangan aniya na lahat ng pasahero na galing sa gveen list countries ay magpakita ng unang-una ang pinanggalingan nila ay “Green List country/jurisdiction/territory” kungv saan ay nanatili ang mga ito ekslusibo sa Green List countries/jurisdictions/territories sa nakalipas na 14 na araw bago pa dumating ang mga ito sa Pilipinas at kailangan na ang mga ito ay fully vaccinated, “whether in the Philippines or abroad.”

 

Kinakailangan din aniya na ma-verify ang vaccination status ng mga ito, “independently” o makumpirma ng mga awtoridad sa Pilipinas bilang “valid and authentic upon arrival in the country.”

 

Para naman aniya sa mga bansa na kuwalipikado sa Green Lanes o mga pasahero na galing sa mga bansa na sakop ng green lanes, ang Bureau of Quarantine (BOQ) ay kailangang tiyakin ang mahigpit na symptom monitoring habang nasa facility quarantine ng 7 araw.

 

” Even if the RT-PCR test yields a negative result, the individual shall still complete the 7-day facility-based quarantine. If the RT-PCR test is, however, positive, prescribed isolation protocols must be followed. Upon completion of such quarantine, the BOQ shall issue a Quarantine Certificate which indicates the individual’s vaccination status. The individual is thereafter enjoined to do self-monitoring for the next 7 days,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, para naman sa ibang mga pasahero na darating sa Pilipinas na hindi naman aniya galing sa green lanes ay kailangan pa rin na sumailalim sa 10-day facility-based quarantine at 4-day home quarantine, kabilang na ang RT-PCR test sa pang-7 araw.

 

Kinakailangan din aniya na ang mga ito ay galing sa non-Green List country/jurisdiction/territory, nanirahan na sa non- Green List country/jurisdiction/territory “14 days before their arrival in the Philippines.”, hindi pa aniya bakunado ang mga ito.

 

“Even if fully vaccinated, their vaccination status cannot be independently verified/confirmed by Philippine authorities as valid or authentic upon their arrival in the country,” ayon kay Sec.Roque.

 

Samantala, ang lahat naman ng mga pasahero maging ito man ay Filipino o dayuhan na nagta-transit sa pamamagitan ng non-Green List country/jurisdiction/territory ” shall not be deemed as having come from or having been to the said country/jurisdiction/territory

 

“Ibig sabihin, hindi po sila ta-tratuhin na para po silang ay nanggaling sa isang non-green country kung sila po ay nagta-transit doon lamang,” anito.

 

Kaugnay nito, nag-classify naman ang IATF ng Green List countries/jurisdictions/territories bilang low risk countries/jurisdictions/territories, batay na rin sa rekumendasyon Department of Health (DOH).

 

Sinabi ni Sec. Roque na ang pinagbatayan naman ng DoH para sa nasabing classification para sa mga sumusunod na metrics: para sa populasyon na mas higit pa sa 100,000, ang incidence rate (cumulative new cases over the past 28 days per 100,000 population) ay mas mababa pa aniya sa 50; at para naman aniya sa populasyon na “less than 100,000,” ang COVID-19 case counts (cumulative new cases over the past 28 days) ay hindi naman mas maliit sa 50, “as prescribed by its Technical Advisory Group.” (Daris Jose)

Other News
  • After magwagi sa New York Festivals TV & Film Awards: ‘The Atom Araullo Specials’, nag-uuwi ng Silver Dolphin Trophy sa Cannes Awards

    ANG multi-awarded bi-monthly documentary program ng GMA Public Affairs na ‘The Atom Araullo Specials’ ay nakakuha ng isa pang malaking parangal para sa Network sa pamamagitan ng “The Atom Araullo Specials: Hingang Malalim” na nag-uuwi ng Silver Dolphin Trophy sa Cannes Corporate Media and TV Awards sa France.   Unang ipinalabas noong 2023, ang “The […]

  • Bato, nag-sorry sa ABS-CBN

    “Pasensya na po kung kayo ay nasaktan.”   Ito ang pahayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa mga kawani ng ABS-CBN Corporation matapos niyang sabihin noong Martes na mas prayoridad niya ang kapakanan ng milyong Pinoy kaysa 11,000 kawani na mawawalan ng trabaho kung magsara ang naturang network.   “Pasensya na po kung kayo ay […]

  • Drugstores, pharmacies at hospitals, kailangang maglagay ng maximum retail price sa mga gamot – DoH

    Aabot umano sa pitong milyong Pinoy ang makikinabang sa bagong pirmang Executive Order (EO) No. 104 kaugnay ng Maximum Drug Retail Price (MDRP) sa mga gamot.   Sa EO na kapipirma ni Pangulong Rodrigo Duterte, mababawasan ng halos 58 percent ang retail prices ng nasa 87 high cost medicines.   Dahil dito, agad daw mag-iisyu […]