• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RFID DRIVE THRU, GAGAWIN SA MAYNILA

DALAWANG araw na RFID drive-thru installation ang isasagawa sa Lungsod ng Maynila.

 

SA kanyang Facebook live, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na idaraos ito simula Oct.31 hanggang Nob.1 na gaganapin sa Kartilya ng Katipunan.

 

Magsisimula ito mula alas- 9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa nasabing petsa.

 

Gayunman, nilinaw ng alkalde na mga Class 1 na sasakyan lamang ang papayagang pumila sa drive- thru gaya ng passenger van, kotse at SUVs.

 

Naisakatuparan aniya ito sa pamamagitan na rin ng pakikipag- ugnayan ng pamahalaaang lungsod sa NLEX, CALAX, CAVITEX, SLEX at sa tulong na rin ng Department of Transportation dahil na rin sa mga kahilingan ng maraming mga motorista na dumadaan sa nasabing mga toolgate.

 

Ayon pa sa alkalde, wala nang iba pang kailangan na dokumento kundi magdala lamang ng 200 daang piso para sa initial load ng RFID. (Gene Adsuara)

Other News
  • Canvassing of votes ng Presidente, VP ikinasa ng Senado, Kamara

    NAGPULONG  na ang mga Senador at Kongresista sa isasagawang pagha­handa para sa canvassing ng boto ng Presidente at Bise Presidente na gaganapin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso umpisa sa Martes, Mayo 24 hanggang 27.     Sina House Secretary General Llandro Mendoza at mga opisyal ng Senado sa pangunguna ni Senate Secretary Atty. Myra Marie […]

  • Kaya naghahanda sa kanyang future plans: RAYVER, nakikitang si JULIE ANNE na ang makakasama habang-buhay

    MARAMI nga ang kinilig sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, March 16 dahil sa JulieVer.   Guests nga ni King of Talk Boy Abunda sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Isang two-in-one Fast Talk ang nangyari na kung saan salitan silang sumagot sa mga tanong tungkol sa isa’t-isa.   Isa sa […]

  • DOTr: Bike lane network pinalawak

    INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na nadagdagan ng 68 na kilometro ang bicycle lane network bilang bahagi ng adhikain ng pamahalaan na ipagpatuloy na palakasin ang active transportation sa bansa.     Nagkaron ng inagurasyon ang South at East Metro Manila bike lane network noong nakaraang linggo ang DOTr kasama ang Department of Public […]