• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rice assistance sa MUPs, mapakikinabangan ng local farmers-PBBM

SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na ang rice assistance ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa military and uniformed personnel (MUP) ay hindi lamang makatutulong sa mga opisyal at pamilya nito kundi maging sa mga lokal na magsasaka.

 

Sa isang kalatas, pinuri ng DBM ang Administrative Order (AO) No. 26 ni Pangulong Marcos, nagbibigay pahintulot sa one-time grant na 25 kilograms ng bigas sa lahat ng aktibong MUPs.

 

Ang rice assistance grant, inirekomenda kay Pangulong Marcos ng DBM at Department of Agriculture (DA), naglalayong kilalanin ang kontribusyon ng uniformed personnel sa bansa, tulungan ang mga ito na makayanan ang epekto ng socio-economic challenges, at magbigay ng economic opportunities para sa mga nasa sektor ng agrikultura.

 

Ang Rice assistance ay ipamamahagi sa awtorisadong kinatawan ng MUPs mula December 2024 hanggang March 2025 sa itinalaga at piniling mga National Food Authority (NFA) warehouse.

 

Ang kakailanganing rice supply para sa programa ay huhugutin mula sa lokal at nagpapartisipang magsasaka ng Kadiwa program ng DA.

 

“Maganda rin po itong programa na ito dahil hindi lang military and uniformed personnel ang matutulungan kundi pati na rin ang mga local farmers natin,” ang sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.

 

Sa kabilang dako, saklaw ng AO No. 26 ang Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng Department of National Defense, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at Philippine Public Safety College sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government, at maging ang Bureau of Corrections sa ilalim ng Department of Justice, Philippine Coast Guard sa ilalim ng Department of Transportation, at National Mapping and Resource Information Authority sa ilalim naman ng Department of Environment and Natural Resources.

 

Ang kakailanganing pondo para sa grant o pagkakaloob ng rice assistance ay kukunin mula sa contingent fund ng 2024 budget.
(Daris Jose)

Other News
  • PBBM pinatitigil ang umano’y bayaran sa pangangalap ng pirma para sa Cha Cha

    PINATITIGIL ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang umano’y bayaran sa pangangalap ng pirma para sa Peoples Initiative na layong amyendahan ang 1987 Constitution.     Sa panayam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr kanyang inihayag na sakaling mayroong ganoong isyu na bayaran hindi ito tatanggapin ng Commission on Election.     Gayunpaman sinabi ng Pangulo na […]

  • [ALAM N’YO BA? NI REY ANG] MGA EXTRATERRESTRIAL BEINGS (ALIEN), NILALANG RIN NGA BA NG DIYOS?

    TUNAY namang nakagigimbal sa lahat ng aspeto, lalo na sa mundo ng relihiyon, kung sakaling matuklasan (o aminin na ng gobyerno) na tunay ngang may mga nabubuhay na nilalang sa ibang planeta sa malayong kalawakan.     Isa sa labis na maaapektuhan ng nasabing pangyayari ay ang mga relihiyong  Kristiyanismo sapagkat ayon sa Christian belief […]

  • Naoko Yamada’s latest anime film, “The Colors Within,” arrives in PH cinemas on October 23

    A heartfelt journey of friendship and music, the award-winning film “The Color Within” promises a breathtaking experience.   From the visionary director of the beloved anime series “K-On!,” Naoko Yamada brings another heartwarming masterpiece to life with her latest film.     Set to open in the Philippines on October 23, this beautifully crafted anime […]