Richard Bachmann: New PSC Chairman
- Published on December 29, 2022
- by @peoplesbalita
Tinalaga ng Malacañang si Richard Bachmann bilang bagong Chairperson ng Philippine Sports Commission (PSC).
Ang dating University Athletic Association of the Philippines Commissioner ay magiging kapalit ni Noli Eala, na nai-appoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong buwan lamang ng Agosto.
Maliban sa pagiging bahagi ng Athletic Association, naging team governor din ito ng isang koponan sa Philippine Basketball Association (PBA).
Sinasabing si Eala ay naging pinuno ng government’s sports agency sa panahon ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez.
Samantala, si Bachmann naman ay nasa Estados Unidos pa ngayon, kaya hindi pa siya makakapanumpa sa tungkulin.
Babalik siya sa bansa sa darating na Disyembre 30, 2022. (CARD)
-
Gilas 3×3 todo ensayo na!
Doble-kayod na ang Gilas Pilipinas 3×3 bago tumulak patungong Graz, Austria para sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Mayo 29 hanggang 30. Ayon kay Gilas 3×3 head coach Ronnie Magsanoc, sumasalang sa dalawang ensayo kada araw ang kanyang bataan dahil ngayon lamang nakumpleto ang tropa. “In terms of effort, I […]
-
SUZETTE, rumesbak sa comment ni Direk ANDOY at nagsabi na dapat magbayad ng tamang tax ang Kapamilya network
HINDI maganda yung pag-aaway sa social media ng mga Kapamilya at Kapuso. Hindi nagustuhan ni Suzette Doctolero ang comment ni Direk Andoy Ranay na basura ang shows ng Kapuso network kahit pa may franchise ito. Siyempre rumesbak si Suzette ng comment at sinabi naman na dapat magbayad ng tamang tax ang […]
-
Bulacan, susunod sa uniform travel protocol ng IATF
LUNGSOD NG MALOLOS– Ipinatupad ni Gob. Daniel R. Fernando ang uniform travel protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa kanyang pinakabagong inilabas na executive order kung saan hindi na kailangan ng travel authority at COVID testing bago makapasok sa Lalawigan ng Bulacan. Ayon sa Seksyon 4 ng Executive Order No. 5, series of 2021 […]