RICHARD, enjoy sa pagiging Mayor at tama ang naging desisyon; LUCY, hinihikayat na tumakbong Senador
- Published on June 24, 2021
- by @peoplesbalita
MASAYA ang chikahan with Ormoc City Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez noong Lunes with matching lunch na ipinadala ng mag-asawa sa bahay ng bawat isang press na invited.
Nasa huling term niya si Cong. Lucy at may mga chika na nililigawan daw ito ng partido ni Presidente Duterte para tumakbong senador sa susunod na taon.
“Wala pang definite plans. I have my options pero nothing is cast in stone. Ang aming main concern is to keep Ormoc and the district safe,” pahayag ng maybahay ni Mayor Goma.
Sinabi pa niya na kung anuman daw ang trabaho na kanilang ginagawa ni Mayor Goma ay hindi dapat bigyan ng kulay at isipin na preparasyon para sa isang mataas na posisyon.
Pero may posibilidad daw na tumakbo daw sa Kongreso si Richard.
“What we do now is to honor the work that we are doing. Hindi ito plano o isang road map. We didn’t intend to make politics a career. Hindi ito planado. Kung anuman ang dumating,we will just with the flow. Pero hindi ito bahagi ng isang dream or grand ambition.”
Since 2016 ay inalok na raw si Lucy na tumakbo for higher office pero wala pa raw sa kanyang plano to seek higher office. Pero kung sakali man siya ay tumakbo, hindi naman daw siya magmumukhang OJT.
“I won’t be coming as an OJT because I have 11 years of experience behind me. I studied hard. It is difficult to find yourself in an arena where you don’t know anything. If ever I do run for a post, I want to make my time matter when I am there,” pahayag pa ni Lucy.
“I hope that what I will leave behind me is better than what I found when I first stepped in. What we do in our jobs is to honor it with a legacy.”
Madalas na makatanggap ng papuri si Mayor Goma sa effort niya na panatilihing Covid-19 free ang Ormoc. Or keep the infection in check.
“Mayroon kaming information campaign kung saan lagi namin ipinapaalala sa mga tao na laging magsuot ng face masks at face shields. May mga pulis kami on patrol na laging nagre-remind sa mga tao to wear their face masks and face shields,” sabi ni Mayor Goma.
Pero alam naman ni Goma na hindi lahat ng tao will be pleased sa kanyang ginagawa. Mayroon pa rin masasabi ang ibang tao kahit ginagawa niya what is right at naayon sa batas.
“Kahit na alam ko naman na tama ang desisyon on something, not everybody will agree with me na tama iyon. Pero hindi naman talaga nawawala ang mga tao who will disagree with me. Basta tuloy lang ang trabaho namin.”
Although enjoy naman si Goma bilang Mayor, hindi naman mawawala sa puso niya ang showbiz.
Kung sakali raw may movie offer, sana raw ay pumayag na mag-shoot sila sa Ormoc.
Ayon pa kay Mayor Goma, tama ang desisyon niya na pumasok sa politics.
“Gusto lang naman namin na maglingkod at magkaroon ng pagbabago. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong uri ng pagkakataon na magsilbi sa mga tao.
“Kaya pag dumating ito, do your best. Take the wheel change the direction to where you want it.”
***
SI Miguel, may sikreto!
The Miguel we are referring to is RK Bagatsing sa seryeng Huwag Kang Mangamba.
Intense ang episode last Tuesday night kung saan nahuli ni Nonie Buencamino sina RK at Rafael Rosell na magkayakap.
Siyempre shocked si Nonie, who plays the grandfather of Miguel, kasi di niya akalain na gay pala ang kanyang apo.
Eh kandidato pa naman itong Mayor sa kanilang lugar kaya pinagsabihan niya sina RK at Rafael na putulin na ang kanilang relasyon.
Siyempre ayaw pumayag ni Rafael dahil katwiran niya ay apat na taon na relasyon nila ni RK. Pero hindi naman magpapatalo si Nonie.
Maganda ang confrontation scene nina Nonie at RK. Damang-dama mo ang galit ni Nonie sa kanyang natuklasan.
Awang-awa naman kami kay RK na sinaktan ng kanyang lolo.
Ang ganda ng twists and turns ng Huwag Kang Mangamba kaya lagi namin itong pinapanood every night sa Kapamilya Channel.
(RICKY CALDERON)
-
JAPAN PM KISHIDA, nakatakdang dumating bukas sa Pinas-DFA
NAKATAKDANG pag-usapan bukas, araw ng Biyernes, Oktubre 3 nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio ang usapin ukol sa West Philippine Sea (WPS) at Official Development Assistance (ODA) ng Japan. Si Prime Minister Kishida ay mayroong nakatakdang official visit sa Pilipinas mula bukas hanggang araw ng Sabado, Nobyembre 4, 2023. […]
-
Manny Pacquiao hindi makakalaban sa Amerika?
KUNG magdedesisyon si eight-division world champion Manny Pacquiao na bumalik sa boxing, posibleng mahirapan itong ganapin ang kanyang comeback fight sa Amerika. Ito ay dahil sa kasalukuyang kaso na kinakaharap nito laban sa Paradigm Sports Management (PSM) sa Superior Court of California. Nais ni Paradigm chief Audie Attar na bayaran ni […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 42) Story by Geraldine Monzon
NAG-ALALA si Bela nang malaman na nasa ospital si Jeff kaya nagpilit itong sumama kay Manang Sonya. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang at sa kanyang Mama Cecilia. Inihatid sila ni Mang Delfin gamit ang kotse ni Bernard patungo sa ospital. Nagmamadali sina Bela at Manang Sonya pagpasok sa ospital. Sa information area agad […]