• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RICKY LEE, nagpapasalamat sa pagre-restore ng ‘Sagip-Pelikula sa 14 na pelikulang sinulat niya

BIHIRANG mag-post sa kanyang Facebook account ang multi-awarded screenwriter na si Ricky Lee.

 

 

Pero nag-post siya noong Friday, not because it is his birthday kundi para ipaalam sa mga tao ang ginagawang film retrospective ng ABS-CBN Restoration ‘Sagip-Pelikula’ ng mga pelikulang sinulat niya, para sa birthday month niya na nag-start noong March 16 hanggang April 16.

 

 

Gusto raw niyang maiyak matapos makita ang line-up ng 14 films na kasali sa retrospective dahil sobrang blessed siya na maging bahagi ng pelikulang dinirek nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Marilou Diaz-Abaya, Mel Chionglo, Olive Lamasan. Chito Rono, Rory Quintos, Jerry Sineneng, Butch Perez, Cholo Laurel and their teams, to have been part of a community that keeps giving and giving through film.

 

 

Lalo raw niyang na-miss ang mga director na yumao na tulad nina Marilou, Lino, Ishma, and Mel. Pero dahil daw sa mga pelikulang nagawa niya, pakiramdam daw ni Sir Ricky ay kapiling pa rin natin ang mga mahuhusay na director.

 

 

Pinasalamatan din ni Sir Ricky ang untiring efforts nina Leo Katigbak and his team para ma-restore ang kanyang mga pelikula and hundreds of other films.    May problema man kaharapin at magkulang man sa resources pero walang sawa silang nagre-restore ng mga pelikula para bigyan tayo ng gift of history and legacy.

 

 

“Itong mga pelikulang ito namin nina Marilou, it is as much our work as theirs now. Kung hindi sa kanila, ang mga pelikulang ito ay mananatiling mga title na lang na binabanggit.

 

 

Pero sa halip, bawat isang pelikulang niri-restore nila ay nagiging isang maligayang muling pagsilang,” sabi pa ni Sir Ricky sa kanya.

 

 

Humiling din siya ng suporta sa ‘Sagip Pelikula’ sa ngayon and in the coming days.

 

 

***

 

 

AFTER doing dramas two in a row, comedy naman ang sunod na handog ng Heaven’s Best Entertainment titled Ang Huling Birheng Bakla sa Balatlupa.

 

 

Mula sa direksyon at panulat ni Joel Lamangan, with Afi Africa as co-writer, ang all-out camp comedy na ito ay tatampukan nina EA Guzman, Teejay Marquez, Mimi Juareza, Carmi Martin, Lou Veloso, Sunshine Garcia, Dave Bornea, Lexi Gonzales, Sean de Guzman at Jim Pebanco.

 

 

Hindi lang namin sure kung bakla ang role ni EA sa movie kasi he said na after his award-winning role sa Deadma Walking, hindi na muna siya tatanggap ng role ng bakla whether sa movie o TV.

 

 

Congratulations nga pala kay EA for being nominated as Best Supporting Actor sa upcoming 4th Eddys Awards para sa Coming Home.

 

 

May gagawin rin si EA na bagong TV show titled Heartfelt Café na ipalalabas sa GTV.

 

 

***

 

 

NAPANOOD namin ang video ni Megastar Sharon Cuneta asking for prayers para sa kanyang kaibigan na si Fanny Serrano.

 

 

“It’s a private thing supposedly, but there’s no way asking around it. I would really like to ask for your prayers because Tita Fanny Serrano had a massive stroke today (March 17). He is being treated. He is conscious.

 

 

“But please, I need prayers to work wonders talaga, so please pray for Tita Fanny. I love him so much. He is like family to me for three decades already. Please pray for him and his healing.”

 

 

Tapos na ang shoot ng Revirginized, ang comeback film ni Ate Shawie sa Viva Films. Tulad ng maraming Sharonians, wish namin na sana maganda ang pelikula.  (RICKY CALDERON)

Other News
  • Utang lolobo sa panukalang Maharlika Investment Fund – Pimentel

    NANINIWALA  si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na magdulot lamang ng maraming utang sa bansa ang legasiya na proposed Maharlika Investment Fund.     Ginawa ni Pimentel ang pahayag taliwas sa pahayag ni National Treasurer Rosalia De Leon na ang kontrobersyal na pondo ay makakabawas sa utang ng bansa.     Aniya, sa […]

  • Infra program ng administrasyong Marcos: Nabawasan, naging P8.2 trillion na lang

    PUMALO na lamang sa P8.2 trillion mula sa P9 trillion ang kabuuang investment cost ng infrastructure flagship projects (IFPs) ng administrasyong Marcos matapos na linisin at walisin  ng economic team ang inulit lamang na proyekto.     Kabilang dito ang sinimulan sa ilalim sa nakalipas na administrasyon.     “The total investment value, we used […]

  • LTO nakatutok rin sa holiday traffic

    PINAGHAHANDAAN na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong panahon ng Kapaskuhan.     Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, na may mahigpit silang ugnayan sa mga iba’t ibang ahensiya para maityak na magiging maayos ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.     Ilan sa mga pinakatutukan nila […]