Rider na naaksidente, arestado
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang isang lalaking naaksidente sa motorsiklo kasama ang angkas na babae matapos laitin ang rumespondeng mga pulis para tumulong sa Valenzuela city.
Si Gerald Ejan, 25 ng Road 3, Lingahan, Malanday ay sinampahan ng pulisya ng kasong unjust vexation, disobedience of lawful orders of persons in authority or their agents, paglabag sa R.A 4136 o driving without license at driving under the influence of alcohol sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Sa tinanggap na report ni Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, habang nagsasagawa ng mobile patrol si P/SMSgt. Joel Taniongon at Pat. Mark Reiner Andres ng Dalandanan Police Sub-Station 6 nang atasan sila na tulungan ang nangyaring vehicular accident sa kahabaan ng G. Lazaro St. Brgy. Dalandanan dakong 1:10 ng madaling araw.
Pagdating sa lugar, nakita nila si Ejan na nakaupo sa simento habang ang kanyang angkas na kinilalang si Coleen Ablao ay walang malay dahil sa tinamong pinsala sa noo kaya’t tumawag ang mga pulis sa Valenzuela Rescue Team.
Habang naghihintay sa ambulansya, nagkamalay ang biktima at nag hysterical saka tinanong si Ejan kung bakit sila naaksidente.
Inawat ni Sgt. Taniongon si Ablao at sinabihan na maging kalmado dahil parating na ang rescue team subalit, namagitan si Ejan at nagsalita ng “Ulol, wala kayong kuwentang mga pulis,”.
Binalaan ng mga pulis si Ejan tigilan ang mga mapanirang salita sa kanila subalit, pagpatuloy pa rin ang suspek na naging dahilan upang arestuhin siya ni Sgt. Taniongon ngunit itinulak nito ang pulis.
Gayunman, nagawang siyang mapigilan ng mga pulis at pagdating ng mga rescue team ay dinala ang suspek at si Ablao sa Valenzuela Medical Center kung saan nadiskubreng positibo sa alcoholic breath test si Ejan at nalaman rin na walang driver’s license. (Richard Mesa)
-
DOH: 18k COVID-19 cases araw-araw ‘posible’ bago 2023 sa voluntary masking
MAAARING tumaas patungo sa 18,000 ang arawang COVID-19 cases bago matapos ang 2022 kasunod ng pagluluwag lalo ng face mask requirements, babala ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Huwebes. Ito ang sinabi ni Vergeire ilang araw matapos ianunsyo ni Tourism Secretary Christina Frasco na maglalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng […]
-
Bumida sa Warriors vs Cavs Thompson ‘di kinalawang
MATAPOS ang dalawang taon ay muling nasilayan sa aksyon si Klay Thompson. Nagsalpak si Thompson ng 17 points kasama ang tatlong three-point shots sa 96-82 pagdomina ng Golden State Warriors sa Cleveland Cavaliers para tapusin ang kanilang dalawang dikit na kabiguan. Muling sumosyo ang Warriors (30-9) sa Phoenix Suns para sa […]
-
Libreng happy meal pinamigay sa mga batang Navobakunado
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng libreng Happy Meals sa mga kabataang Navoteño na 5 hanggang 11 taong gulang na nabakunahan na kontra sa COVID-19. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, araw-araw ang kanilang ginagawang pamimigay libreng pagkain na ito sa mga bakunadong kabataan upang maging masaya ang mga ito at hindi matakot […]