• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RIDER, NADULAS ANG MOTORSIKLO, PATAY

NASAWI ang isang 38-anyos na rider nang nadulas ang sinasakyang motorsiklo sa Tondo, Maynila Huwebes ng gabi.

 

 

Kinilala ang  biktima na  si  Elmer Payot y Onez, ng  2304 Rizal Avenue corner Matang Tubig St., Tondo.  Maynila na namatay sa pinangyarihan ng insidente .

 

 

Sa ulat ni Corporal Eric Jay Despabiladero ng Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU) dakong alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente kung saan   minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang  binabagtas  ang kahabaan ng  southbound ng Rizal Avenue kanto ng Matang Tubig St., Tondo, Maynila nang pagsapit sa bahagi ng Teodoro Santos St., nang mawalan ng kontrol sa kanyang manibela at  biglang dumulas ang gulong ng kanyang motorsiklo.

 

 

Dahil sa insidente at malakas na pagbagsak, tumama ang kanyang  ulo sa semento na  nagresulta sa kanyang agarang kamatayan .(GENE ADSUARA)

Other News
  • NBA ipinagmalaki na walang dinapuan ng COVID-19 sa All-Star games

    Ipinagmalaki ng NBA na wala silang naitalang anumang nadapuan ng COVID-19 pagkatapos ng NBA ALL-STAR GAME.     Kasunod ito sa pangamba ng ilang manlalaro na pinangungunahan ni LeBron James na maaring dumami ang kaso ng COVID-19 dahil sa All-star games.     Ayon sa NBA na mahigpit nilang ipinatupad ang pagsasailalim sa tatlong beses […]

  • 7 INDIBIDWAL , HULI SA QUARRYING

    ARESTADO  ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong indibidwal na iniulat na sangkot sa illegal quarrying operations sa Barangay San Isidro sa Angono, Rizal.     Kinilala ng NBI ang mga naaresto na sina  Bonbon E. Camanian, Marcial R. Bustamante, Jomar T. Marigondon, Ricky B. Buenaventura, Rustian S. Villamora, Richard S. Evangelista, at Rodel […]

  • Bulacan, kaisa sa pagdiriwang ng National Indigenous People’s month

    LUNGSOD NG MALOLOS – Kaisa ng bansa sa pagdiriwang ng National Indigenous People’s Month, magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ng isang programa para sa mga katutubo na tinawag na “Taunang Araw ng mga Katutubong Dumagat” sa Oktubre 21, 2022 sa Sitio Manalo, Brgy. San […]