RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN
- Published on December 29, 2020
- by @peoplesbalita
TODAS ang isang 23-anyos rider habang malubha namang nasugatan ang kanyang angkas matapos bumangga sa isang pampasaherong jeep ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.
Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Arvin Sarmiento, helper ng 35 B Anneth St. Marulas, Valenzuela city.
Inoobserbahan naman sa naturang pagamutan sanhi rin ng mga pinsala sa ulo at katawan ang kanyang back rider na si Dexter De Asis, 29, delivery helper ng Sangandaan, Caloocan city.
Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide at Serious Physical Injury ang driver ng Isuzu Jitney (PUJ) na may plakang (NWJ-921) na si Geniroso Vergara, 29 ng Dizon St., Brgy. 2, Caloocan city.
Sa nakarating na ulat kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., alas-12:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng A. Mabini St. corner P. Gomez II, Brgy. 5, habang minamaniobra ni Vergara ang naturang jitney nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima na patungong Sangandaan sa kanang bahagi nito.
Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang mga biktima at bumagsak sa simentadong kalsada na naging dahilan upang mabilis silang isinugod sa naturang pagamutan habang kusang loob naman na sumuko sa pulisya si Vergara. (Richard Mesa)
-
South China Sea, hindi dapat na maging ‘nexus for armed conflict’- PBBM
GINAMIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdalo nito sa 42nd ASEAN Summit para muling ipanawagan ang maagang konklusyon ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea. Sinabi ng Pangulo na hindi dapat maging “nexus” ang rehiyon para sa armed conflict. Sa 42nd ASEAN Summit Retreat Session, ipinahayag ng Pangulo […]
-
VP LENI pinuri sa hands-on leadership at mabilis na aksiyon
Pinuri ng mga artista si Vice President Leni Robredo sa kanyang hands-on leadership at mabilis na aksiyon sa pagtulong mga taong naapektuhan ng Bagyong Odette sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa kanyang Instagram page, pinuri ng aktres at TV host na si Kris Aquino dahil palagi itong tumutulong tuwing may kalamidad. […]
-
Babaeng boksingero sa India nag-uwi ng gintong medalya sa World Boxing Championship
NAGWAGI ng gold medal sa Women’s World Boxing Championship sa Turkey si Nikhat Zareen ng India. Tinalo kasi nito si Jitpong Jutamas ng Thailand sa score na 5-0 sa flyweight division of the championship. Ito ang unang gintong medalya ng India sa championship mula ng magwagi si Olympic boxer Mary Kom […]