Rider todas sa Ford ranger pick-up
- Published on February 23, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG 32-anyos na rider ang nasawi matapos sumalpok ang kanyang minamehong motorsiklo sa isang Ford Ranger pick-up sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Paul Michael Abalaza, ng 110B Capaz St. 10th Avenue, Brgy. 63 ng lungsod.
Kusang loob naman na sumuko sa pulisya ang driver ng Ford Ranger Pick-up na kinilalang si Dave Raniel Famero, 26, site engineer at residente ng 39 B3 L3 Servants of Charity Tandang Sora Quezon City.
Sa isinagawang imbestigasyon ni Caloocan traffic police investigator P/Cpl. Dino Supolmo, tinatahak ni Famero ang kahabaan ng B. Serrano Street patungong EDSA habang tinatahak naman ng biktima ang kahabaan ng 7th Avenue patungong Rizal Avenue Extension.
Pagdating sa Intersection ng 7th Avenue at B. Serrano, Brgy. 109 dakong 10:20 ng gabi ay aksidenteng bumangga ang minamanehong motorsiklo ng biktima sa kanang bahagi ng pick-up Ford Ranger na minamaneho naman ni Famero.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima mula sa motorsiklo at bumagsak sa simentadong kalsada kaya’t agad itong isinugod sa naturang pagamutan subalit, hindi na ito umanbot ng buhay.
Iprinisinta naman si Famero sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property. (Richard Mesa)
-
22 nadakma sa drug operation sa Valenzuela
UMABOT sa dalawampu’t dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong bebot ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City. Ayon kay PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong alas-6:50 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT […]
-
PDu30, galit na binuweltahan si De Lima
GALIT na binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Sen. Leila de Lima makaraang kastiguhin ng senadora ang kabiguan di umano ng Chief Executive na pamunuan ang COVID-19 crisis sa Pilipinas. Nauna nang sinabi ni de Lima kay Sen. Christopher “Bong” Go na “stop covering up for your boss and misleading us on his […]
-
Malakanyang, pinalagan ang ‘hallucination’ ni Digong Duterte na attack dog ng admin si Trillanes
AYAW patulan ng Malakanyang ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na isang ‘attack dog’ ng administrasyon si dating senator Antonio Trillanes IV dahil sa pinakabagong banat at atake ng huli sa una. “Mahirap nang pumatol sa ganyan. Hallucination na ‘yan,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga mamamahayag sa […]