• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RITA, nasa ‘bucket list’ ang makapag-around the world pag tapos na ang pandemya bukod sa paglilibot sa buong bansa

NASA bucket list ni Rita Daniela ang magbiyahe around the world kapag tapos na ang pandemya.

 

 

Kung ‘di pa raw masyadong safe mag-travel abroad, puwede naman daw sa buong Pilipinas siya lilibot.

 

 

“When this is all over, for sure, I’ll travel around, well kung kaya, around the world. Siyempre, gusto ko talaga na i-tour pa rin ‘yung buong Pilipinas kasi I know na sobrang ganda talaga ng Pilipinas,” sey niya.

 

 

Na-miss daw ni Rita ang bumiyahe kasama ng kanyang mga kaibigan. Hilig daw nilang pumunta sa mga lugar na hindi pa masyadong dinadayo ng mga tao.

 

 

“I really miss going out and traveling with my friends kasi mahilig kami talaga sa dagat so talagang naghahanap kami ng kasuluksulukan, pinakadulo ng mga dagat dito sa Pilipinas at tinitingnan namin ‘yun, pinupuntahan namin ‘yun.

 

 

“And even we try their food and we really, really want to see how they cook their food. Thing ko talaga ‘yun na umikot, na mag-travel with the people that I love.”

 

 

Nag-share si Rita ng perfect summer niya kung wala raw sanang pandemic.

 

 

“For me, my perfect summer vacation, three things: first, as long as you’re with your whole family. Siyempre maganda ‘yung sama-sama kayong pamilya. Especially sa panahon ngayon, dito mo ma-a-appreciate ‘yung quality time with your whole family.

 

 

“Second, boodle fight. Hilig naming pamilya namin ‘yan, buong pamilya namin hilig namin kumain sa dahon ng saging, nakakamay.

 

 

“Third is ‘yung water activities. Hilig kasi namin, buong family namin, hilig namin ‘yung mga water activities. So as long as may pool d’yan, o kaya may spring, o kaya batis, ayan, hindi mawawala sa family namin ‘yan.”

 

 

**

 

 

COVERGIRL si Rufa Mae Quinto sa isang US-based magazine na lalabas sa May 11.

 

 

Ginawang mala-diyosa si Rufa Mae sa photo shoot

 

 

nito for Showbiz Hollywood. Naging photographer niya ay si Vincent Gotti.

 

 

Nag-post ng teaser ng magazine si Gotti sa kanyang social media account:  “A little teaser of what’s coming up for her first magazine cover in the US. The gorgeous and very funny comedienne [and] actress from Manila.”

 

 

Ngayon May din ang birthday ni Rufa Mae (May 28) at turning 42 na ang award-winning comedienne na naka-base ngayon sa US kasama ang mister na si Trevor Magallanes at anak nilang si Athena.

 

 

***

 

 

INARESTO ng LAPD sina James Jackson, 18; Jaylin White, 19, and Lafayette Whaley, 27 dahil sa pag-dognap nila sa dalawang French Bulldogs ni Lady Gaga.

 

 

Ayon sa TMZ, they are charged with attempted murder and armed robbery.

 

 

Kinasuhan din sina Harold White, 40, and Jennifer McBride, 50, bilang accessories sa dognapping.

 

 

Si McBride ang na-report na nakahanap ng dalawang aso ni Gaga. Documented na gang members sina Jackson, Whaley at ang mag-amang White.

 

 

All five are being held on $1-million bail.

 

 

Ayon sa ginawang imbestigasyon, dog-stealing ring ang pinapatakbo ng mga ito. Nanakawin nila ang aso at sila rin ang kunwaring nakahanap para makuha ang rewards money.

 

 

February 24 nang ma-dognap ang dalawang French bulldogs ni Gaga na sina Gustavo at Koji. Binaril ng dognappers ang dogwalker na si Ryan Fischer. Nangyari ito habang nasa Europe si Gaga filming the movie House of Gucci.

 

 

Nag-offer ng $500,000 reward si Gaga sa makakabalik ng mga aso niya. Dahil sikretong pinaimbestigahan ng singer ang pangyayari, di niya muna binigay ang reward money kay McBride na kasangkot pala sa krimen. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Dengue case tumaas ng 39%

    TUMAAS ng 39% ang dengue cases sa bansa base sa pinakahuling epidemiologic data ng Department of Health.     Mula Enero 1 hanggang Agosto 10, 2024 umaabot na sa 150,354 ang kaso o 39% mas mataas kumpara sa 107,953 noong 2023.   Sa nasabi ring panahon, mayroong 396 dengue deaths, na mas mababa sa 421 […]

  • Pakiusap ng malakanyang sa publiko, hintayin ang guidelines sa pagbabalik ng provincial buses na point-to-point routes

    NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko na hintayin na lang muna ang guidelines na ilalabas ng Department of Transportation (DOTr)  at  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa pagbabalik ng provincial buses na  point-to-point routes bago pa mag-isip na bumiyahe.   “Hintayin lang po natin ang guidelines na ilalabas ng DOTr (Department of Transportation) at LTFRB ukol dito,”ayon […]

  • Para itigil na ang kanilang hidwaan: K, emosyonal na nakiusap sa tiyahin na tumayong ina-inahan

    EMOSYONAL na nakiusap si K Brosas sa kanyang tiyahin, na tumayo niya ring ina-inahan, na itigil na nila ang kanilang hidwaan.     Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, tinanong ni Tito Boy si K kung napatawad na niya ang kaniyang tiyahin.     “Yes. Matagal na. Ang tagal naming hindi nag-usap eh,” […]