• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Road closure sa Maynila, nagsimula na

NAGPATUPAD na nang pagsasara ng mga kalsada ang mga awtoridad sa bisinidad ng National Museum sa Maynila kaugnay ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa Hunyo 30.

 

 

Alas-11 ng Linggo ng gabi nang umpisahang isara ang Padre Burgos Avenue, Finance Road, Maria Orosa Street mula Kalaw hanggang Padre Burogs, at General Luna St. mula Padre Burgos-Muralla Streets.  Hindi muna padaraanan ang nabanggit na mga kalsada hanggang alas-11 ng gabi sa Hunyo 30.

 

 

Isasara rin sa trapiko sa Hunyo 30 mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng gabi ang Ayala Boulevard at Victoria Street mula Taft Avenue hanggang Muralla Street.

 

 

Inabisuhan din ang mga motorista na iwasan ang mga naturang kalsada o kung hindi maiiwasan ay sumunod sa itinakdang traffic re-routing ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

Ang nasa  Roxas Blvd. northbound, maaring kumanan sa UN Avenue o TM Kalaw Avenue at kumaliwa sa Taft Avenue.

 

 

Ang mga nasa Roxas Blvd. eastbound ay maaaring kumaliwa sa TM Kalaw o UN Avenue at kumanan sa Taft Avenue.

 

 

Samantala, isasara rin ang iba pang mga kalsada kabilang ang: Mendiola Street mula Hunyo 29, alas-12:01 ng hatinggabi hanggang Hunyo 30, alas-11 ng gabi; Jalandoni St., PICC, Pasay City mula Hunyo 30 alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng gabi; at Legarda Street mula San Rafael hanggang Figueras St., mula Hunyo 30 ala-1 ng hapon hanggang alas-11 ng hapon.

 

 

Samantala,  “Solemn and simple,” ganito ilarawan ng Marcos camp ang magaganap na inagurasyon ni BBM bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30 sa National Museum sa Maynila.

 

 

Ayon kay Franz Imperial,  isa sa mga namumuno sa  preparation committee ng nasabing event, ang  programa ay  “all set” na maliban sa ilang minor details na hanggang sa ngayon ay isinasapinal pa.

 

 

“The program we have prepared is very solemn and simple. It would be very traditional dahil sabi nga ni BBM sa vlog niya, ‘hindi kami lilihis pa sa tradisyon,’” ayon kay  Imperial.

 

 

Ang Television host na si  Toni Gonzaga  ang kakanta ng Philippine National Anthem  habang ang inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal,” ay aawitin naman ng singer na si Cris Villonco at Young Voices of the Philippines Choir.

 

 

Manunumpa si Marcos sa harap ni  Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander Gesmundo.

 

 

Tinanggap ni Gesmundo ang kahilingan na siya ang mag-administer ng oath taking ni Marcos.

 

 

Wala namang ibinigay na karagdagang detalye hinggil sa  inaugural speech  ni Marcos subait sinabi ni Imperial na ang  incoming president  ay hindi na mangangailangan pa ng  teleprompter.

 

 

Samantala, isinasapinal pa ang detalye ng ecumenical invocation.

 

 

Sa kabilang dako, sa isinagawang  press conference  ng subcommittee on security, traffic, and communications na idinaos sa Camp Crame, sinabi ni  Interior Secretary Eduardo Año na tatagal ang nasabing event ng mahigit-kumulang dalawang oras.

 

 

“More or less siguro, baka two hours lang itong event na ‘to. At ito ay magsisimula around 10:50 in the morning and we expect na ang kanyang oath-taking exactly 12 noon. And then, after the speech ay tapos na ang ating event o ceremony,” anito.

 

 

Isang 30-minute military-civil parade naman ang gagawin sa naturang event, ayon kay  Imperial.

 

 

Tinatayang may 2,213 security personnel ang sasama sa military parade  mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police (PNP).

 

 

“We have a total of 2,213 troops na mag-participate sa military parade,” ang pahayag ni  Joint Task Force National Capital Region commander Brigadier General Marceliano Teofilo.

 

 

Idinagdag pa nito na magpapartisipa rin ang  kadete mula sa Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy at maging ang mga  regular at special troops.

 

 

Makikita rin sa military parade ang armored vehicles at artillery equipment.

 

 

Kabilang din sa military parade ang  flyby ng military air assets gaya ng  “planes and choppers.”

 

 

Para naman sa  civic composition  ng military parade, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Romando Artes na ang mga kinatawan ng sektor ng medical frontliners, overseas Filipino workers, athletes, labor force, agriculture, transportation, metro aides, at iba pa ay makikiisa rin.

Sinabi naman ni NCRPO chief Police Major General Felipe Natividad  na may  1,250 “VIPs at VVIPs” ang inaasahan na dadalo sa oath-taking event.

 

 

“We are expecting 1,250 — those are VIPs and VVIPs. That is aside from the ‘yung mga pupunta nating mga kababayan doon,”  anito.

 

 

Ang  incoming Office of the President at PNP Police Security and Protection Group  naman ang bahala sa  mga heads of states.

 

 

Ani Año, ang mga VIPs ay pupunta muna sa Philippine International Convention Center para sa  screening.  TInatayang 60 buses ang magsasakay sa mga ito para dalhin sila sa venue, sa  National Museum.

 

 

Sinabi pa ni Artes na pinag-uusapan na ng mga Alkalde ng Kalakhang Maynila ang posibleng deklarasyon na “holiday” sa kani-kanilang lugar para sa inagurasyon ni Marcos.

 

 

Samantala, nagdeklara na si Outgoing Manila Mayor Isko Moreno  ng special non-working holiday sa Lungsod ng Maynila sa Hunyo 30 para sa inagurasyon ni Marcos.

 

 

“More than 18,000 public safety and security forces would be deployed to secure Marcos’ inauguration, according to the National Capital Region Police Office. No security threat has been monitored so far,” ayon sa  Philippine National Police. (Daris Jose)

Other News
  • Sharon, naging senti nang ipinakita ang red LV bag ni Mommy Elaine

    GRANTED na ni Megastar Sharon Cuneta ang requests ng kanyang mga Sharonians at mga YouTube subscribers na i-feature naman niya sa kanyang vlog sa Sharon Cuneta Network, na she titled “My Bag Collection.”   Inamin ni Sharon na na- accummulate daw niya iyon simula pa nang magtrabaho siya, pero ilan lamang ang dinala niya para […]

  • Baon sa lahat ng estudyante, isinusulong

    ISINUSULONG ng isang mambabatas ang paglalaan ng taunang cash assistance na P1,000 sa pre-elementary, P2,000 sa elementary, P3,000 sa junior high school, P4,000 sa senior high school at P5,000 sa mga college students.       Nakapaloob ito sa House Bill 6908 na inihain ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.       Ayon sa […]

  • MINI-PUFTS ARE OUT OF THE BAG IN THE CHARACTER-REVEAL VIDEO OF “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE”

    SWEET. Mischievous. Savage.  Mini-Pufts are out of the bag, in the recently released video that introduces the new characters in Columbia Pictures’ upcoming adventure comedy Ghostbusters: Afterlife.   Check out the character-reveal video below and watch Ghostbusters: Afterlife in Philippine cinemas this 2021.     YouTube: https://youtu.be/x-Mjfs9zRH4     About Ghostbusters: Afterlife     From director Jason Reitman and producer […]