Roger Federer, nanguna sa 100 highest-paid athletes ng Forbes
- Published on June 2, 2020
- by @peoplesbalita
Nangibabaw sa unang pagkakataon si tennis superstar Roger Federer sa listahan ng mga highest-paid athletes ng Forbes business magazine ngayong taon.
Sa datos ng Forbes, kumita si Federer ng $106.3-milyon kung saan $100-milyon ang mula sa appearance fees at endorsement deals, habang ang $6.3-milyon ay galing sa premyo sa nilahukang mga torneyo.
Sumegunda naman sa listahan ang Portuguese football star na si Cristiano Ronaldo na may kitang $105-milyon; at sumunod si Argentine striker na si Lionel Messi na may $104-milyon.
Ikaapat ang Brazilian footballer na si Neymar na may $95.5-milyon; habang ikalima si Los Angeles Lakers star LeBron James, $88.2-milyon.
Ayon sa Forbes, nakaapekto umano nang husto ang coronavirus pandemic sa unang pagsadsad sa kabuuang kita ng 100 top-paid athletes mula noong 2016.
Inaasahang magkakaroon ulit ng pagbaba sa susunod na taon dahil sa shutdown. (AFP)
-
Herd Immunity ng Pinas, posibleng abutin ng 2023
Hindi malayong sa taong 2023 pa maabot ng Pilipinas ang herd immunity kontra COVID-19. Ito ang pagtaya ng Philippine Vaccine Tracker matapos bumagal ang pagdating ng suplay ng bakuna nitong mga nakaraang linggo. Sa datos ng PVT, mula July 9 hanggang kahapon ay bumaba ang bilang ng mga naturukan dahil sa pagkaantala ng […]
-
Sotto patuloy ang paglaki
Mas lalo pang tumangkad si Kai Sotto na magiging malaking tulong sa nakatakdang pagsabak nito sa NBA G League na lalarga sa susunod na buwan sa Orlando, Florida. Isang pulgada pa ang itinangkad ni Sotto na mayroon nang 7-foot-3 sa huling update ng kanyang height na ipinost nito sa kanyang social media account. […]
-
KISSES, may plano na mag-join sa Miss World Philippines 2021
MAY plano pala si Kisses Delavin ng All-Access to Artists na mag-join sa Miss World Philippines 2021. Kaya naman excited ang kanyang mga fans and followers sa balitang ito. Alam kasi nilang bago pa nag-join si Kisses sa Pinoy Big Brother noon, beauty queen na siya sa kanilang province sa Masbate. Bagay […]