• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Romero tinupad ang pangako kay Hidilyn

Mismong si House Deputy Speaker Mikee Romero (1-Pacman Partylist) ang personal na nag-abot ng kanyang ipinangakong P3 milyong tseke kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz kahapon.

 

 

Ayon kay Romero, hindi matatapatan ang naging sakripisyo ng 30-anyos na national weightlifter para makamit ang kauna-una­hang Olympic gold ng Pinas matapos ang 97 taon.

 

 

“This will open for other athletes to work harder to aspire their dreams,” wika ni Romero sa kanilang pagkikita ni Diaz sa Sofitel Hotel kung saan nanatili ang tubong Zamboanga City para sa mandatory seven-day quarantine.

 

 

“We are really proud of you, Hidilyn. You embody the traits of a great warrior. Hoping every Olympics may gold medal tayo,” dagdag pa ng NorthPort Batang Pier team owner.

 

 

Kumpiyansa naman si Diaz na mayroon pang susunod sa kanyang mga yapak.

Other News
  • MPD NAG-INSPEKSIYON SA SEMENTERYO SA LUNGSOD

    NAGSAGAWA ng inspeksyon na ang pamunuan ng  Manila Police District (MPD) sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa papalapit na Undas.     Ayon kay MPD Director Brig.General Andre Dizon, ilalatag ang paghahanda sa seguridad pero kailangan pa ring may paghihigpit dahil nasa gitna pa ng pandemya.     Una nang sinabi ni Dizon […]

  • GSIS, nag-alok ng emergency loan sa lima pang lugar na apektado ng Mindoro oil spill

    MAAARI ng mag-avail  ng emergency loan ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) na nakatira sa lima pang lugar na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.     Ang mga  lugar ay ang Calapan City at mga munisipalidad ng Baco, San Teodoro, Soccoro, at Victoria.     Sinabi ng GSIS  na naglaan […]

  • Mayor Sara itinuloy ang pagtakbo sa pagka-VP

    Nagdesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-bise presidente sa halalan sa susunod na taon kasunod na rin ng panawagan ng kanyang mga supporters na magsilbi para sa bansa.     Ayon sa presidential daughter, nagdesisyon na siyang huwag nang sumali pa sa presidential bid, patunay na rito ang kanyang paghahain ng […]