• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rosegie Ramos, Lovely Inan itataas bandila ng Pilipinas sa World lifting

PILIT na pagliliyabin nina 32nd Hanoi Southeast Asian Games bronze medalist Rosegie Ramos at papangaangat na lifter na si Lovely Inan ang kampanya ng siyam-kataong Team Pilipinas sa International Weightlifting Federation (IWF) World Championships na itinakda simula Disyembre 5 hanggang 16 sa Bogota, Columbia.

 

 

Ang 19-anyos na si Ramos ay produkto ng weightlifting hotbed na Zamboanga City at huling nagtala ng total lift na 179kgs sa una nitong pagsabak sa SEA Games.

 

 

Iniangat nito ang 81kgs sa ikatlong tangka sa snatch bago itinala ang personal best nito na 98kgs sa ikalawang buhat sa clean and jerk.

 

 

Nagawa naman makasama ni Inan sa delegasyon matapos nitong talunin ang Asian junior champion na si Ramos sa women’s 49kgs category ng ginanap na SWP National Open Championships sa Tagbiliran, Bohol.

 

 

Ang 18-anyos mula Angono, Rizal at produkto ng PEP Project ni coach Richard Agosto ay kinapos ng isang kilo para manalo sa snatch bago dinomina ang clean and jerk sa 98kgs lift para sa total lift na 176kgs upang biguin si Ramos.

 

 

Asam ng dalawang Pilipinong lifter makapagtala ng kasaysayan sa kanilang unang pagsabak sa torneo na isa sa mga kinakailangang salihan para makasabak sa 2024 Paris Olympics.

 

 

Matatandaan na nagwagi si Ramos ng tatlong gintong medalya sa nasabing weight class sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

 

 

Si Ramos, na kasama ang kapatid na si Rose Jean, na kasalukyang World Youth record holder sa women’s 40kgs category, ay tumulong sa Team Pilipnias na magwagi ng record na kabuuang 15 gintong medalya sa Tashkent. (CARD)

Other News
  • Papal nuncio: Pope Francis, posibleng magtalaga na ng bagong Manila archbishop

    Naniniwala si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na posibleng magtalaga na si Pope Francis ng posibleng kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa Archdiocese of Manila.     Ayon kay Archbishop Brown, posibleng hindi na raw ito tumagal pa at maaaring maglabas na ng pasya ang Santo Papa.     Nang mag-umpisa […]

  • Ex-PNP Chief Eleazar, nakapaghain na ng CoC sa pagka-senador

    Nakapaghain na ng kanyang certificate of candidacy (CoC) si dating PNP Chief Guillermo Eleazar para sa pagka-senador.     Pero una rito, naghain muna ng wtihdrawal sa pagtakbo bilang senador si Reporma senatorial aspirant Paolo Capino.     Kasunod nito ay pumasok na si Eleazar sa area kung saan tinatanggap ang mga dokumento para sa […]

  • Pinas, naghain ng diplomatic protest laban sa Tsina

    NAGHAIN ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa Tsina  matapos ang panibagong insidente ng harassment at panghaharang ng Chinese Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng routine resupply at rotation mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, araw ng Biyernes, Nobyembre 10.     Sa isang kalatas, iginiit […]