• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RTF-ELCAC, hinikayat ang CHR na imbestigahan ang presensiya ng 4 na menor de edad sa ginawang pag-aresto sa Tarlac farmers

HINIKAYAT ng  Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) ang Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang presensiya ng apat na menor de edad na kasama sa inaresto sa Tarlac noong Hunyo 9.

 

 

Sa press conference, hinikayat ni Western Visayas RTF-ELCAC prosecutor Flosemer Chris Gonzales ang CHR na alamin kung sino ang nagdala sa  mga menor de edad sa  Concepcion.

 

 

“Dapat maimbestigahan kung anong ginagawa nila doon. At ‘yung dapat managot niyan, CHR, is ‘yung talagang nag imbita sa kanila doon na halata namang pang gugulo ‘yung puno’t dulo nitong ginawa n’yong pagkilos,” anito.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni PRO3 Regional Director Police Brigadier Matthew Baccay  na 91  katao ang inisyal na inaresto.

 

 

Gayunman, pinakawalan din ang ilang dayuhan at apat na menor de edad.

 

 

“So do not only focus on, you know, the allegations against our police. But we should also look into the best interests nung mga bata… Alam ba nung mga magulang na hinila niyo ‘yung mga anak nila doon?” ayon kay Gonzales.

 

 

Sinabi pa ni  Gonzales  na dapat lang na tingnan at alamin ng  CHR ang sinasabing grupo na nag-organisa ng  assembly.

 

 

“Dahil ‘yung naapektuhan nito ‘yung mga farmers, ‘yung mga miyembro ng Tinang Multipurpose Cooperative,” anito.

 

 

“Sila rin po ay mga marginalized at sila rin ay nawalan ng mga pananim na tubo dahil sa ginawa nitong mga nahuli ng ating kapulisan… mga biktima din po sila,” dagdag na pahayag ni Gonzales.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, nahaharap sa multiple raps dahil sa pagdawit sa ilang grupo at personalidad sa armed communist movement, na ang mga miyembro ng Karapatan ang nasa likod ng insidente.

 

 

“The CHR, if they’re very serious and sincere about getting to the bottom of this should investigate that, they should investigate our allegation that behind this is Pia Montalban of Karapatan that is a front of the CPP-NPA-NDF and who brought these children there,” ayon kay Badoy.

 

 

Samantala, pinabulaanan naman ni  Baccay ang alegasyon ng ‘physical and mental abuse’ at  inhumane conditions sa detention facility.

 

 

Sinabi ng  CHR  iniimbestigahan nila ang kaso at nagsisimula nang mangalap ng  impormasyon mula sa mga inarestong indibiduwal, magsasaka na naghain ng reklamo at  Philippine National Police Office personnel.

 

 

Sinabi ni Baccay  na pumalag ang mga magsasaka na maaresto at ang mga ito pa aniya ang nanakit sa mga pulis. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, nanawagan sa PhilHealth na bayaran na ang lahat ng hospital claims

    NANAWAGAN ang Malakanyang sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran ang lahat ng pagkakautang nito o ang mga claims ng mga pribadong ospital lalo pa’t marami sa mga ito ang nagkokonsidera na putulin ang ugnayan sa state insurer.   Sa katunayan, may tatlong hospital groups na ang nagkokonsidera na kumalas sa PhilHealth matapos na […]

  • PBA dinadagsa na ulit

    UNTI-UNTI  nang dumaragsa ang mga fans sa venues ng PBA Season 46 Governors’ Cup.     Sa huling laro ng liga sa Smart Araneta Coliseum, umabot sa 6,502 ang nanood sa laban ng Barangay Ginebra at Rain or Shine noong Linggo.     Ito ang pinakamara­ming bilang ng fans na nanood ng live sapul nang […]

  • Work from home, opsyonal sa ilalim ng Alert Level 1- DTI chief Lopez

    MAGIGING opisyal ang work from home arrangement sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 sa susunod na buwan dahil sa pagbuti ng COVID-19 situation sa bansa.     Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang onsite work ay hinihikayat sa ilalim ng Alert Level 1.     “Ie-encourage ‘yung onsite work […]