Sa anumang paraan… Mga Pinoy sa Lebanon, ilikas na-PBBM
- Published on October 11, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglilikas ng mga Filipino sa Lebanon “sa anumang paraan” habang naghahanda ang gobyerno sa pag-akyat ng tensyon sa pagitan ng Israeli Defense Force at militanteng grupo na Hezbollah.
Ang kautusan ay ginawa ng Pangulo sa isang “urgent” virtual conference kasama ang ilang miyembro ng gabinete sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit upang talakayin ang sitwasyon sa Gitnang Silangan.
“We are now going to evacuate our people by whatever means – by air, or by sea,” sinabi ni Pangulong Marcos sa virtual conference.
Giit pa ni Marcos kung sa anong paraan kailangang gawin ang paglilikas ay kailangan pang alamin dahil ito ay evolving situation kaya kailangang bantayan at gawin ang lahat ng paghahanda.
“Just make all the preparations so that malapit na lahat ng asset natin. Kung may barko tayong kukunin, nandiyan na malapit na sa Beirut na sandali lang basta’t the Embassy gives us the clearance and they say that our people can go, mailabas na kaagad natin so that hindi sila naghihintay ng matagal in danger areas,” ayon pa sa Presidente.
Ang direktiba ng Pangulo ay naganap ilang araw matapos ang higit sa 30 air raid ng mga eroplano ng Israel sa timog bahagi ng Lebanese capital.
Ayon sa datos mula sa Presidential Communications Office (PCO) noong Oktubre 8, nakatanggap na ang Philippine Embassy sa Beirut ng 1,721 aplikasyon para sa repatriation, kung saan 511 ang na-repatriate na at 171 ay handa na para sa repatriation.
“We’re ready, willing and able [to repatriate Filipinos] at any time. We’re just waiting for the diplomatic clearances of the expatriates to be processed out of Beirut,” sinabi pa ni Defense Secretary Gilberto Teodoro sa Pangulo.
Ang mga Pilipino na-repatriate mula sa Lebanon ay makakatanggap ng P150,000 tulong pinansyal mula sa gobyerno. (Daris Jose)
-
NASAGI SA BALIKAT, TRUCK DRIVER, NANAKSAK NG 5 KATAO
SUGATAN ang limang indibidwal kabilang ang isang babae nang mistulang naghuramentado ang isang lasing na truck driver matapos na nagtalo dahil lamang sa nagkasagian ng balikat sa Tagaytay City Huwebes ng gabi. Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang sina Jorgie Bagay y Legaspi, (babae), 41; Jan Rishan Fajardo y Cortez, 19; Ron […]
-
PSL beach volley papalo sa Biyernes
Walong koponan ang magtatagisan sa pagbabalik-aksyon ng 2021 Gatorade-Beach Volleyball Challenge Cup na katakdang umarangkada sa Biyernes sa SBMA sand courts. Mainit na inihayag ni PSL chairman Philip Ella Juico ang kumpirmasyon ng muling pagdaraos ng volleyball tournament sa bansa matapos ang ilang buwan na pagkakaudlot dahil sa pandemya. Nagawa ito […]
-
Klase ng mga estudyante sa Navotas, sinuspinde
IPINAHAYAG ni Mayor Toby Tiangco noong Sabado na wala munang pasok ang lahat ng mga estudyante mula sa kindergarten hanggang college ng pribado at pampublikong mga paaralan sa Lungsod ng Navotas kahapon (Lunes, Marso 9, 2020). Ito’y kasunod ng inilabas na update ng Department of Heallth (DOH) na may dalawang karagdagang kumpirmadong kaso ng […]