Sa bonggang back-to-back episodes ng #SuperAte: Sen. IMEE, ipasisilip ang mga natunghayan sa pagbisita sa French capital
- Published on December 9, 2022
- by @peoplesbalita
Una, binisita ni Sen. Imee ang sikat na Pére Lachaise Cemetery, na libingan ng ilan sa mga greatest thinkers at artists ng mundo na ang ambag sa siyensya, pulitika, at sining na talaga namang naka-impluwensya sa Pilipinas.
Doon ay ginawa ng Ilocana lawmaker ang ‘atang’ na isang Ilokanong ritwal ng food offering upang mapalayas ang masasamang espiritu. Nagbigay din siya ng alay para sa mga yumaong icons na nakalibing sa Pére Lachaise.
Binisita rin ng Senadora ang mga puntod ng Italian composer na si Giochino Antonio Rossini na kilala para sa kanyang operas at chamber music; ang architect na si Georges-Eugéne Haussmann na ama ng urban planning; ang French romantic artist na si Eugéne Delacroix; ang French novelist na si Honoré de Balzac na isa sa mga paboritong literary writers ng dating Pangulong si Ferdinand Marcos Sr.; ang French painter na si Théodore Gericault; ang American singer na si Jim Morrison; ang French playwright na si Moliére; at ang Irish playwright at poet na si Oscar Wilde.
Nagbigay din ang budget-conscious na Dakilang Ilokana ng tips kung paano i-enjoy ang City Of Lights ng hindi masyadong gumagastos at sa kanyang pag-ikot sa pinaka-murang vintage shops at budget-friendly restaurants at cafés ng Paris at pati na rin ang magagandang landmarks nito.
Tunghayan ang kagandahan ng Paris sa France sa pamamagitan ng mga nasaksihan ni Sen. Imee Marcos ngayong weekend at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/cImeeMarcosOfficial/featured
-
‘Talagang may death squad ako noon’ – Ex-Pres. Duterte
INAMIN ni dating pangulong Rodrigo Duterte na inutusan niya ang mga dating hepe ng Philippine National Police na hikayatin ang mga suspected criminals na lumaban at kapag kumasa ay doon patayin. Ito ang isiniwalat ni Duterte sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon subcommittee hinggil sa madugong war on drugs noong nakaraang administrasyon. […]
-
3 NBA games kinansela
Hindi itinuloy ang nakatakdang tatlong laro sa NBA playoffs games kahapon, (August 27) matapos magpahayag ng boycott ang mga koponan bilang protesta sa umano’y nagaganap na krimen kontra sa mga Black-American. Ayon sa ulat, kinansela ang laro ng Milwaukee Bucks vs Orlando Magic, Los Angeles Lakers vs Portland Blazers at Oklahoma City Thunder vs […]
-
Kris, ginawang big deal ang pagiging face ng online selling store
ANG daming nag-aabang ng pa-suspense na posting ni Kris Aquino. Na ang daming nag-antici- pate na television na ang tinutukoy niya. Na sa sobrang excitement at happy rin ni Kris na kinumpara pa nga niya sa kanyang “first love” ang bagong project, e, Shopee lang pala. Yun ang ilan sa nabasa at narinig […]