• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa ginanap na first-ever ‘Vilma Night’: VILMA, namangha nang makita ang movie posters and photos

LAST Saturday August 10 ay ginanap sa Archivo 1984 sa Chino Roces sa Makati ang first ever “Vilma Night.”

 

 

Ito rin marahil ang kauna-unahang sort of exhibit ng mga memorabilia o mga larawan, posters na kuha sa mga nagawang pelikula ng isang icon ng Philippine showbiz.

 

 

 

 

Siyempre dumalo si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na very much happy sa isa-isa niyang nakikitang posters at mga larawan mula sa more or less 300 movies na nagawa niya.

 

 

Mga memorable films kagaya ‘Sister Stela L’ to ‘Burlesk Queen’ at kasama pa rin produced ng kanyang VS Films na ‘Pagputi ng Uwak, Pag itim ng Tagak’ at ‘Mga Rosas sa Putikan.”

 

 

Namangha si Ate Vi na sinabayan na rin niya ng pagpapaliwanag habang isa-işahing tingnan ang mga pictures, vinyl records, paintings, t-shirts na ginamit sa promo ng pelikula and other memorabilia na nagawang ipunin mula umpisa at hanggang sa more than sixty years sa showbiz.

 

 

Halos lahat ng mga kilalang production outfit ay nagkaroon ng pelikula si Ate Vi, tulad ng Regal Films, Viva Films, Sampaguita Pictures, Lea Productions at iba pa.

 

 

Sa mga naging leading man naman niya bukod kay Christopher De Leon ay isa sa pinagmalaki ni Ate Vi at isa sa the best para sa kanya ay si Dindo Fernando.

 

 

Sa henerasyon ngayon na matatawag niyang the new Dindo Fernando ay si John Lloyd Cruz.

 

 

***

 

 

SPEAKING of Ate Vi, kinumpirma na niyang tuloy na ang paggawa ng pelikula.

 

 

Ito ay under ng Mentorque Productions at isa itong dark movie. Pero hanggang soon lang daw muna ang maibigay na detalye ni Ate Vi.

 

 

Pati kung Sino ang makakasama ay secret daw muna.

 

 

Sa tanong kung pwedeng pang-Metro Manila Film Festival, na posibleng mfagbigay sa kanya ng another best actress award ay napailing ang multi-awarded actress.

 

 

Ayaw daw niyang i-pressure ang sarili. Basta ang importante matapos daw niya ang movie, maihabol naman o hindi for MMFF.

 

 

Bukod dito, may pelikula pa sanang uumpisihan si Ate Vi pero mukhang malabo na rin dahil sa almost sure na raw ang pagbabalik-gobernador niya sa Batangas.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • PSL beach volleyball dinagsa ng suporta

    SANGKATERBA ang mga suporta sa 6th Philippine SuperLiga o PSL Challenge Cup beach volleyball tournament 2020 sa Nobyembre 26-29 sa Subic Freeport.   Nabatid ng OD kay PSL chairman Philip Ella Juico, na maayos ang team owners meeting sa nakaraang Lunes at kumpiyansa siyang magiging ligtas at maaksyong torneo sa harap ng Coronavirus Disease o […]

  • Ads July 21, 2021

  • KIM, walang regrets na magkontrabida dahil natikman na ring maging bida

    BIGLANG nagkaroon ng reunion ang Hashtag members sa naging bachelor’s party ni Nikko Natividad.   Ikakasal na kasi si Nikko sa fiancee niyang si Cielo Eusebio at naging daan ang kanyang stag party para muli niyang makasama sina Kid Yambao, Tom Doromal, Wilbert Ross, Jimboy Martin, Vitto Marquez at Zeus Collins.         Dahil bawal pa […]