• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa Los Angeles na ipu-pursue ang singing career… JAMES, naging emosyonal ang paggo-goodbye at pinabaunan ng ‘goodluck’ ng netizens

NAGING emosyonal ang paggo-goodbye ni James Reid sa kanyang pamilya na naghatid sa airport dahil tuluyan itong umalis ng bansa at papunta ng Los Angeles.

 

 

Binigyan din siya ng farewell party ng mga kaibigan dahil nagdesisyon na nga si James na I-pursue ang career sa Amerika, particular na sa kanyang international collabs sa mga singers at rappers.

 

 

Marami nga ang nalungkot lalo na ang JaDine fans, dahil hindi na nga nakabalik si James sa limelight, samantalang si Nadine Lustre ay muling tumanggap ng project sa Viva Films, ang Greed na malapit nang mapanood sa Vivamax.

 

 

Iba’t-iba ang naging komento ng netizens pero meron pa rin talaga at walang patawad na nam-bash:

 

“Goodluck James! May your dreams do come true!”

“He looks so happy to leave. I think he doesn’t want to be boxed in the ph with loveteams for the rest of his life.”

“Good for him. Wala rin naman na siyang career mula ng mag-break sila ni Nadine. Wala na rin ang Kaf and di naman siya kinuha ng 5 and sure di sya kukunin ng kaH. Kaya good luck sa kanya sa abroad.”

“Wala na career and kinang! Go James dun kana malay mo naman! Bawasan rn kc minsan laki ng ulo. D rn naman malaki katawan.”

“Fly high butterfly.”

“Ang OA 🙂 uuwi rin yan 🙂 di rin naman sisikat yan sa LA :)”

“Madali naman for his family to visit him dami naman eme.”

“Oh cut them some slack as if hindi mo alam ang feeling ng may umaalis kahit nga within the Phils. lang. Nagre-resign nga na katrabaho minsan iniiyakan pa natin at binibigyan ng bonggang send-off. Kulang ka ba sa pagmamahal ng pamilya?”

“Best of luck James! Sana ma-fulfill mo ang gusto mong gawin.”

“You can always come back home whenever you miss home. Best of luck!”

“Baka may big time na kumuha sa kanya don. All the best! At least hindi niya pasan yung mga wannabe celebrity half siblings niya. Nakadagdag din yun sa nega eh.”

“Buti si Nadine, may Viva pa kahit papano. Ito cgro nawaley na. Hindi rin kasi umalagwa yung music career nia dto. Hindi naman kasi promising recording artist or even music producer si kuya. Mas lalo naman sa acting. Punta sha sa LA, e mas maraming mas talented sa knya dun.”

“Aysus! If I know maghahanap lang yan ng jowa sa LA.”

“Tong mga tao.. na nambabash pa ei.. hindi ba pwedeng pabaunan ng goodluck? he’s pursuing his dreams.”

“Grabe mga haters kung maka-mock ng kapwa. Sana hindi yan bumalik sa inyo or sa mga mahal nyo sa buhay kapag kayo naman ang sumabak sa journey nyo to pursue your dreams. Whether it’s going to be a hit or miss sa career, ang importante diba sinubukan, in-explore, and we should always wish that person all the best.

“Lalo ngayong pandemic na ang daming nakikipagsapalaran sa kahit anong pwdeng pasukin o pagkakitaan, chusko, bawas bawas na sa paghila pababa.”

“I remember one of his brothers live in California. When Jadine had their US tour, James went to visit his brother and family for a few days.”

“Mukha syang happy. Well, congrats pa din at nakalabas na ng bansa, ang toxic na dito sa Pilipinas.”

“Hindi naman yan basta pupunta sa LA na walang connect dun na talent agency. By invitation siguro yan.”

“James Reid is currently being managed by Transparent Arts based in LA.”

“Goodluck James! Dream big and fly high!”

 

 

***

 

 

KAISA ang Sagip Pelikula ng ABS-CBN Film Restoration at ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pagpapalabas ng restored Pinoy classics sa “Mga Hiyas ng Sineng Pilipino” sa Manila Metropolitan Theater (MET) simula ngayong Linggo, Pebrero 20.

 

 

Ipapalabas muli ng mga natatanging pelikulang Pilipino noon sa pinilakang-tabing, na sinagip at pinaganda para mapanood muli ngayon at sa susunod pang mga panahon.

 

 

Kabilang sa mga ipalalabas nang walang bayad ang award-winning 1995 romantic-drama hit ng Star Cinema na Sana Maulit Muli tampok sina Aga Mulach at Lea Salonga.   Mapapanood muli ng madla ang pag-iibigan nina Jerry (Aga) at Agnes (Lea) at kung paano susubukin ang kanilang relasyon matapos mag-abroad si Agnes para makasama ang nawalay na ina habang gugugulin naman ng binata ang sarili sa pagtatrabaho para sa kanilang kinabukasan. Matapos ang ilang mga hamon, hindi nagtagal ay naghiwalay ang dalawa pero desidido si Jerry na sundan si Agnes sa Amerika para magsimulang muli.

 

 

Ihahatid din ng FDCP at ng Philippine Film Archive (PFA) ang ilan pang mga digitally restored na obra noon, tulad ng Dalagang Ilocana (1954) na pinagbidahan nina Gloria Romero, Dolphy, Ric Rodrigo, at Tita de Villa sa direksyon ni Olive La Torre; at Pagdating sa Dulo (1971) na pinangunahan ng Pambansang Alagad ng Sining na si Ishmael Bernal tampok sina Rita Gomez, Eddie Garcia, Vic Vargas, Rosemarie Gil, Ronaldo Valdez at iba pa.

 

 

Mapapanood nang libre ngayong Linggo ang Dalagang Ilocana ng 10 AM, Pagdating sa Dulo ng 1:30 PM, at Sana Maulit Muli ng 3 PM.

 

 

Para makakuha ng libreng tickets kada pelikula, magparehistro online sa bit.ly/DLsaMET para sa “Dalagang Ilocana,” bit.ly/PSDsaMET para sa “Pagdating sa Dulo,” at bit.ly/SMMsaMET para sa “Sana Maulit Muli.” Paalala rin sa mga manonood na sundin ang health at safety protocols sa loob ng tanghalan.

 

 

Ipinagdiwang ng ABS-CBN Film Restoration ang ika-10 taon nito ng pagsagip ng mga natatanging pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng proyekto nitong Sagip Pelikula.

 

 

Tumanggap na ito ng ilang award tulad ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators (IABC), Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), at kamakailan lang din ang Gawad PASADO sa Pagsisinop ng mga De Kalibreng Pelikula mula sa katatapos lang na 23rd Gawad PASADO ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO).

 

 

Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa Sagip Pelikula, i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Panibagong round ng fuel subsidy ipalalabas sa buwan ng Abril- DBM

    NAKATAKDANG ipamahagi ng pamahalaan ang panibagong round ng subsidiya para sa public transport drivers at delivery riders, at diskwento para sa agriculture sector sa darating na Abril.     Isa pang P2.5 bilyong piso ang inilaan para sa subsidiya para sa public utility vehicle (PUV) drivers at P600 milyong piso naman para sa agriculture sector. […]

  • Sa halip na magpasa ng mga batas na makatutulong: Sen. ROBIN, nais ipa-ban ang K-dramas at pabor din si Sen. JINGGOY

    HINDI kami pabor sa sinasabi nina Senator Robin Padilla at Senator Jinggoy Estrada na dapat i-ban ang mga K-dramas sa Pilipinas.     Sabi ni Sen. Jinggoy, kung minsan daw ay naiisip niyang solution sa pag-angat ng TV shows ay ang pag-ban ng K-dramas. Pero ito raw ay obserbasyon lamang niya.     Pareho sila […]

  • Government IDs, kailangan sa voter registration

    HINDI na papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpiprisinta ng company identification cards at sa halip ay pawang mga “government issued IDs” na lamang ang tatanggapin para sa muling bubuksan na voters registration sa susunod na buwan. Itinakda ang Comelec ang voters registration sa Pebrero 12 na magtatagal hanggang Setyembre 30, 2024. Ipatutupad naman […]