• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa MP2 savings program: Pag-IBIG members nakaipon ng P26 bilyon

UMAABOT na sa halos P26 bilyon ang kabuuang naipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng Modified Pag-IBIG 2 (MP2) savings program na isang pananda na mas dumami pa ang mga pumapasok at sa programang ito sa kabila ng umiiral na pandemya.

 

 

Ang MP2 Savings program ay isang vo­luntary savings platform para sa mga miyembro ng Pag-IBIG na nais na makaipon pa ng mas maraming pera at kumita ng mas mataas na dibidendo bukod pa sa kanilang Pag-IBIG Fund regular savings.

 

 

Sinabi ng mga opisyal ng Pag-Ibig na, sa loob lamang ng 12 buwan, ang mga naimpok ng mga miyembro sa ilalim ng MP2 ay umabot sa kabuuang P25.95 bil­yon noong 2021 na  tumaas nang 95% mula sa P13.23 bilyong nakolekta noong 2020.

 

 

Sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na tumaas ang bilang ng mga MP2 savers noong nakaraang taon. Noong 2020, mayroong 508,522 MP2 savers. Sa katapusan ng 2021, ang kabuuang bilang ng mga MP2 savers ay tumaas nang 42 porsiyento sa bilang na 721,980.

 

 

Ayon kay Secretary Eduardo del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development at tagapa­ngulo ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, napatunayan dito na sa kabila ng mga agam-agam na dulot ng pandemya ay naging isa sa mas tinatangkilik na programa ang MP2.

 

 

Ang MP2 Savings Program ay isang special voluntary savings faci­lity ng Pag-IBIG Fund na merong maturity period na limang taon. Sa low entry point na P500 minimum savings, idinisensyo ito para sa mga aktibong miyembro ng Pag-IBIG na gustong ma­dagdagan ang kanilang ipon at kumita ng mas mataas na dividend. Dagdag pa ito sa mandatory Pag-IBIG Regular Savings na iniipon nila kada buwan.

 

 

Bukas din ang natu­rang programa sa mga manggagawa na dating miyembro ng Pag-IBIG. Kabilang dito ang mga pensioner at retirees hangga’t meron silang dalawang taong ipon bago sila nagretiro. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ramirez maayos na iiwan ang PSC

    SA HUNYO ay magtatapos ang termino ni William ‘Butch’ Ramirez bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at sa kanyang apat na Commissioners.     Kaya naman nagpaalam na siya kina PSC Commissioners Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin pati na sa Philippine Olympic Committee (POC), mga sports associations at mga national […]

  • YUL SERVO, MANUNUNGKULAN BILANG MAYOR NG MAYNILA

    PANSAMANTALANG manunungkulan bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto dahil sa pagdalo ni  Mayor Honey Lacuna-Pangan sa C4 World Mayors Summit na gaganapin sa Buenos Aires, Argentina.     Ayon kay Acting Mayor Yul Servo, ibinilin nito sa kanya ang pagpapanatili ng maayos, malinis at tapat nilang paghahatid […]

  • Football legend Diego Maradona, nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa coronavirus ang Argentinian football legend na si Diego Maradona.   Kinumpirma ito ng kaniyang abogadong si Matias Morla matapos isagawa ang swab test sa kaniyang bahay.   Nais kasi ng 59-anyos na dating striker na mapanatag ang loob kaya sumailalim ito sa testing.   Itinuturing na greatest foot- ball player of all time […]