Sa pagbabalik nila sa lock-in taping sa Vigan City: ROCCO, nag-aalala dahil malapit nang manganak ni MELISSA
- Published on October 3, 2022
- by @peoplesbalita
CONGRATULATIONS to Kapuso actor Mike Tan.
Kahit pala pandemic, nagpasya si Mike na ipagpatuloy ang kanyang college studies, ngayon ay graduate na si Mike ng Bachelor of Science in Psychology sa Arellano University.
Nagpasalamat si Mike sa kanyang Instagram post: “I’m grateful to God for His presence, provision, and His pipelines of grace, like: may manager Boss Vic @bossenteng, his handlers sa GMA, to his friends and classmates and ALL OUR UNIVESITY PROFESSORS AT AU, especially Prof. John Marc Balano and Prof. Nestor Linquenco, my thesis adviser Dr. Jinamarlyn Doctor @jainaha06 for her encouragement, kindness, and guidance, the thesis defense panelists Dr. Paulo Macapagal and Dr. Hazel Martinez whose insights helped improve my research; ALL MY FELLOW ACTORS AND CELEBRITIES WHO EAGERLY PARTICIPATED IN MY RESEARCH, my parents and siblings; my wife Cris and my daughters Tori and Prisci who inspired me to go through this program and finally receive my college degree. I THANK THE LORD FOR ALL OF YOU.”
Ngayong tapos na ng studies niya si Mike, tamang-tama na tuloy na ang na-hold na isang GMA Afternoon Prime series na “The Seed of Love” dahil sa pandemic, na pagtatambalan nila ni Glaiza de Castro.
Muli silang magsasama ni Glaiza, pagkatapos ng “Nagbabagang Luha” na ipinalabas during the pandemic. Tamang-tama rin na matatapos na ang “Running Man Philippines” every weekend sa GMA-7, at si Glaiza tuloy na ang church wedding nila rito ng husband niyang si David Rainey sa January, 2023.
***
MAGANDANG balita para sa mga sumuporta at mga netizens na nagbigay ng “Best Primetime Serye” ng Gawad Pilipino 2022 Icon Awards, sa “Lolong,” ang Kapuso adventure-serye na pinagbidahan ni Ruru Madrid.
Last Friday, September 30, nagkaroon na ito ng Season Finale, at nag-announce na rin ang production na magkakaroon ito ng Season 2, as per requests ng mga viewers. Bunga ito ng pamamayagpag sa ratings at magagandang feedbacks na nakukuha ng “Lolong” tungkol sa husay ng cast at ganda ng kuwento.
Ngayon, naghahanda na ang production ng mas magandang story ng adventure-serye, na tiyak na mapapanood, early 2023. Mas malaki raw ang season 2 na hindi lamang sa Villa Escudero sila magsu-shoot, they will explore new locations at may mga bagong characters na papasok, bukod kina Ruru, Shaira Diaz, Arra San Agustin, Mikoy Morales at Paul Salas.
Kaabang-abang kung babalik pa si Christopher de Leon, dahil isa na rin siyang Atuban, na hindi namamatay?
***
WORLD premiere na ngayong gabi ng “Maria Clara at Ibarra.”
Tampok dito sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza as Klay, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose as Maria Clara, and Kapuso Drama King Dennis Trillo as Crisostomo Ibarra.
Marami ang bumubuo sa cast, at isa si Rocco Nacino as Elias, isang fugitive ng panahong iyon sa novel ni Dr. Jose Rizal, na magiging devoted supporter ni Crisostomo Ibarra.
Inamin ni Rocco na medyo nahihirapan siya nang nagti-taping sila nito: “Medyo po kinakabahan ako kasi malalim ang pagsasalita ng Tagalog. Lumaki po kasi ako sa Singapore at nang bumalik ako rito, isa po iyon sa mga subjects na nahirapan ako.
“Thankful po ako na nagkaroon kami rito ng mga coaches sa tamang pagsasalita at pagbigkas ng Tagalog during the Spanish time, na sinulat ni Dr. Jose Rizal and “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.”
Babalik muli sa lock-in taping ang cast ng serye sa Vigan City at nag-aalala si Rocco dahil malapit na ring magsilang ang wife niyang si Melissa sa kanilang baby boy.
Hindi raw siya sure kung makakaalis siya, pero ibinigay na raw niya ang oras niya sa taping, dahil trabaho niya iyon.
Ang “Maria Clara at Ibarra” ay mapapanood at 8pm sa GMA-7, after ng “24 Oras.”
(NORA V. CALDERON)
-
RECORD BREAKING UNEMPLOYMENT SA PILIPINAS
Umakyat sa nakalululang 17.7% ang unemployment rate sa bansa o katumbas ng 7.3 milyong indibidwal na walang trabaho mula sa dating 2.3 milyon pagtatapos ng taong 2019. Ito ang bagong pinakamatas na rekord matapos ang 1998 economic recession sa Pilipinas kung saan umabot sa 10.3% ang kawalan ng hanapbuhay. Ayon kay Department of Labor […]
-
Mister isinelda sa pangmomolestiya sa live-in partner ng anak
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang contractor matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa live-in partner ng kanyang anak sa Navotas City, ng madaling araw. Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na kinilala lang sa alyas “Rudy”, 44-anyos, contractor at residente ng Brgy. NBBS Proper. Sa report ni PCpl Myra […]
-
POGO probe tatapusin na ng Senado
UPANG hindi malihis ang imbestigasyon, iginiit ni Sen, JV Ejercito na tapusin na ang pagdinig na ng Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sinabi ni Ejercito na iminungkahi niya kay Sen. Risa Hontiveros, chair ng komite na tapusin na ang pagdinig dahil nagiging talkshow […]