Sa pamamagitan ng tinayo niyang foundation: ALDEN, patuloy ang pagtulong sa mga kabataan na gustong makapag-aral
- Published on December 12, 2024
- by @peoplesbalita
ISA sa mga sikat na showbiz celebrities na hindi nagawang tapusin ang pag-aaral ay si Alden Richards.
Pero hindi man nakapagtapos ay isa sa layunin at ambisyon ni Alden ay ang makatulong sa ilang kabataang nagnanais magkaroon ng diploma sa college.
Kaya nga itinayo ng Kapuso Superstar ang AR Foundation, Inc. noong 2021.
“I wasn’t able to finish school myself so parang the reason why I decided to put up a foundation for education is to break a certain cycle in the lives of kids.
“Basically, Filipino kids who are struggling with school. That’s why I put up a foundation is to make these kids fulfill their dreams and let them know that there is extended help na pwedeng makatulong sa kanila.
“May it be for allowance, or ‘yung actual tuition fees or kung ano man ang pwedeng maitulong sa kanila. It’s for the main reason of changing their lives and breaking the cycle na ‘pag walang mahingan, titigil na lang.
“That’s a certain cycle that I didn’t want them to experience kasi dumating din ako sa gano’ng point in my life. So that’s the reason for this foundation,” mahabang banggit pa ni Alden sa isa sa interview sa kanya.
Dagdag pa rin ni Alden na talagang malaking bahagi ng pag-aaral ng isang tao ang aspetong pinansyal.
“Sinasabi nila na parang hindi hadlang ang kahirapan sa edukasyon. But actually, it is a hindrance because hindi enough ‘yung passion mo, hindi enough ‘yung dreams mo for you to be able to fulfill and finish school. There are certain factors pa rin talaga in our society also when it comes to education that requires funding, that requires money. “Kasi ‘pag papasok ka sa school siyempre may pamasahe ka, siyempre you need to pay for school projects as well and ‘yung other necessities,” sey pa rin ng sikat na aktor.
As of today ay mayroon ng limang scholars ang nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa tulong ng foundation ni Alden. Para sa aktor ay masarap sa pakiramdam na maraming kabataan ang unti-unti nang natutupad ang mga pinangarap lamang noon.
“More than enough na I’m able to see them fly and graduate. That’s more than a fulfillment para sa akin. Ang maganda kasi with all the other scholars, even natapos na sila, they come back to us and ask us ano ‘yung pwede nilang maitulong.
“Because that’s what I’ve been telling them, pay it forward. And if I’m doing this to you guys right now, I want you to be that person also to help and to give back to the people who are in need,” paglalahad ng binata.
***
MUKHANG may nilulutong proyekto sina Charo Santos at ang mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.
Kamakailan kasi ay nagkaroon ng meeting ang dalawang kampo kung saan nai-post pa ni Toni sa kanyang Instagram account.
Feeling daw ng isang kausap namin na malapit sa pamilya ng mga Gonzaga ay may isang proyektong binubuo ang mga ito.
May mga naging reaksyon naman ang mga netizens sa muling pagtatagpo nang personal ng premyadong aktres at dating presidente ng ABS-CBN at ng dating pambatong host ng Dos.
Meron mga natuwa sa pangyayari pero hindi naiwasang meron ding na-bad trip nang i-post ni Toni sa social media ang pagkikita nila ni Charo, kasama ang mister niya last week.
Naglagay pa ng caption si Toni na, “Missed you, Ma’am Charo Santos! Great meeting and lunch with you.”
Isa sa mga maraming komento ay ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga. Ayon pa kay Alex na “exciting” daw ang pagkikita ng kanyang Ate at ni Charo.
Ayon naman sa kausap namin na malapit kay Toni ay abangan na lang daw natin ang susunod na mangyayari.
(JIMI C. ESCALA)
-
Kai Sotto posts double-double in Adelaide’s first preseason game for NBL23
FILIPINO young star Kai Sotto flexed his offseason improvement in his return to the Adelaide 36ers in NBL Australia. The 7’3″ Sotto delivered 11 points and 11 rebounds in limited playing time in Adelaide’s 98-87 loss against Perth Wildcats. Despite not getting the win, Sotto impressed everyone including his three slam […]
-
Sec. Cimatu, sinuspinde ang quarry operations sa Guinobatan, Albay
SINUSPINDE ni Environment Secretary Roy Cimatu ang quarry operations sa Guinobatan, Albay makaraan ang pinsala na dulot ng Bagyong Rolly. Sa press briefing, sinabi ni Cimatu na may apat na katao ang namatay at tatlo naman ang nailibing ng rumagasang lahar mula Mayon Volcano. Ani Cimatu, malakas kasi ang agos ng tubig- baha […]
-
10M Pinoy jobless sa COVID-19 crisis – DSWD
Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos nasa 10 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng coronavirus disease o COVID-19 crisis. “The health crisis alone has created deep impacts on the economy, as well as our fellow Filipinos’ livelihood and well-being, with prospects of an estimated 10 […]