• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa panahon ng war on drugs ng administrasyong Duterte… Muling pagbubukas ng imbestigasyon sa high-profile killings suportado ng Malakanyang

SUPORTADO ng Malakanyang ang posibleng muling pagbubukas ng imbestigasyon sa high-profile killings na may kinalaman sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

 

”Of course. The reopening of the investigations of the high killings related to the war on drugs should indicate that the Marcos administration places the highest importance on the fair dispensation of justice and on the universal observance of the rule of law in the country,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang text message nang tanungin kung susuportahan ng Marcos administration ang nasabing imbestigasyon.

 

Nauna rito, napaulat na plano ngayon ng Philippine National Police (PNP) na pabuksan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang ilang mga opisyal na napatay sa war on drugs ni dating Pangulong Duterte.

 

Kasunod ito sa naging rebelasyon ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chief Royina Garma sa Quad Committee ng Kamara na sangkot ang isang aktibong pulis sa pagpaslang noon kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

 

Ang alkalde ay binaril umano ng sniper noong Hulyo 2018 habang ito ay nasa flag raising ceremony.

 

Sinabi ni Garma na isang “Albotra” ang nagkuwento sa kanya at ipinagyabang pa nito.

 

Sinabi pa ni PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo, na isa lamang ang kaso ni Halili ang pinabubuksan bukod pa sa ilang mga kaso ng mga government officials na nasangkot sa war on drugs. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, nagparehistro na para sa National Identification System

    OPISYAL nang rehistrado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa National Identification System. Sa katunayan ay sinadya pa ng mga taga-Philippine Statistics Authority si Pangulong Duterte sa Malakanyang. Sa photo release ng Malakanyang, makikita na sumailalim sa biometric information ang Pangulo at pagkatapos dumaan sa nasabing proseso ay nag-thumbs up ito. Kasabay naman ng Punong […]

  • SANYA, balitang papalitan na ni ANDREA bilang leading lady ni BONG; book two ng ‘First Yaya’ hinahanda na

    NAPANSIN ba ninyo ang isang guy in blue na tumakbong lumapit at mahigpit na yumakap sa first Olympic Gold Medalist ng bansa na si Hidilyn Diaz?      Walang iba kundi ang kanyang boyfriend of three years at strength and conditioning coach na si Julius Irvin Naranjo, a Filipino-Japanese weightlifter at the Asian Indoor and […]

  • 5 Govt. Agency prioridad na iimbestigahan

    LIMANG government agency na talamak sa katiwalian ang binigyan priyoridad na iimbestigahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra.   Ayon kay Guevarra ,kabilang na ang Philippine Health Insur- ance Corp.(PhilHealth), Bureau of Customs , Bureau of Internal Revenue, Land Registration Authority, at ang Department of Public Works and Highways.   Sinabi ni Guevarra na una na […]