MATAPOS maglunsad ng anim na pelikula nang sabay-sabay, naipanalo na naman ni Direk Njel de Mesa ng NDMstudios ang ating bayan sa prestihiyosong Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.
Pinarangalan si Direk Njel ng “Best International Film Director” Award sa malaking Nagoya Trade and Industry Center sa Nagoya, Japan. Ang award ay ginawad ng Office of the Consulate General (Consul General Roy Ecraela), Nestor Puno ng Filipino Community in Central Japan (FCCJ), Takuji Sawada ng “The Earth” bilang special citation award para sa kahanga-hangang galing niya sa paglikha ng pelikula.
Ayon sa pahayag ni Mr. Raoul Imbach (isang Swiss French na Jury Member, Musiko, at Consul ng Switzerland), “Although he is already an award-winning artist several times over—and do not need recognition—we still want to give him a symbol of how the Filipino-Japanese community appreciates everything he does for the city, the Philippines and Japan.” 

Layunin nailing palakasin ang turismo sa Nagoya kung kaya’t naglunsad nang ganitong proyekto. Dumalo ang representative ng Mayor mismo ng Nagoya, Japan.
Ang ilan pang nagwagi sa JAIFF2024 ay sina Nora Aunor bilang “Hall of Fame International Actress”, si Arci Muñoz bilang “Best International Filipino Actress”, Alden Richards bilang
“Best International Filipino Actor”, at ang Sparkle ng GMA Network bilang “Best Filipino Artist & Talent Management”.
Pati si Sen. Bong Go at Chief Persida Acosta ay ginawaran ng special citation awards para sa kanilang public service na may kinalaman sa sining. Dumalo rin si Jared Dougherty VP ng Sony Pictures Asia at si Atty. Annette Gozon-Valdes na Senior VP ng GMA.
***

BOSS TOYO, ROSMAR at DIWATA, nakisaya sa first-ever ‘VapeFest’

 
NAGING matagumpay ang first-ever VapeFest ng two of the leading vape brands, ang Shift and Chillax na nag-launch ng collaboration na ginanap sa Metrowalk, Pasig City  last May 24, 2024.
Dinaluhan nang higit sa 50 top social media influencers na pinangunahan nina Rosmar, Boss Toyo, Aya Mendez, Bogart at Diwata na talaga namang pinagkaguluhan at marami ang gustong magpa-picture sa kanya.

Super happy raw si Diwata na isa siya sa kinuhang endorser ng Shift and Chillax at lumalabas pa rin sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

Anyway, pinagbibigyang lahat ni Diwata ang lumalapit sa kanya para magpa-picture at mag-interview. At naiintindihan namin ang inirason nito ukol sa mga pumupuna sa kanya na nagbago o lumaki na ang ulo.

At lalong magiging abala si Diwata ngayon dahil noong Linggo, binuksan ang isa pa niyang paresan sa Visayas Ave, Quezon City.

Lahat daw ng kinikita niya ngayon ay inilalagay niya sa magandang bagay at hindi niya iniisip mag-dyowa.

Anyway, bongga ang naganap na VapeFest dahil nagpa-raffle ng isang car, big bikes and scooters na worth five million pesos, kaya napakaswerte nang mga nanalong guests sa naturang event ng Shift and Chillax na available na ang new products na may 15 different puffs na pagpipilian.
 
 
(ROHN ROMULO)