• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa rami nang ginagawa, ‘di nakalilimot magpasalamat: JOLINA, masaya na muling nakatanggap ng bouquet at fruit basket mula kay VP LENI

HINDI itinanggi ni Mikee Quintos na may nagpapasaya sa kanya ngayon.

 

 

Natatawa ito dahil diretsahan naming sinabi na alam naming Kapuso star rin ito.

 

 

At least, hindi naman nagpabebe pa si Mikee na nag-deny. Totoo raw na masaya siya ngayon at may nagpapasaya.

 

 

Tinanong namin kung okay sa kanya na pangalanan na pero do’n niya sinabi na ‘wag muna raw.

 

 

Sa isang banda, may dahilan naman talaga para maging masaya si Mikee. Aba, hindi lamang ang puso niya ang okay, pati ang career niya. Isa siya sa mga Kapuso star na masasabing nabibigyan ng maraming opportunity ay hindi pinapabayaan ng Kapuso network.

 

 

Heto at bida siya sa bagong GMA Afternoon Prime, ang Apoy sa Langit na karamihan ng mga kasama niya sa cast ay mga kilalang mahuhusay na artista tulad nina Maricel Laxa at Zoren Legaspi at sa direksiyon ni Laurice Guillen.

 

 

***

 

 

BIGLANG naglabas ng kanyang saloobin ang director ng Prima Donnas na si Direk Gina Alajar sa kung ano rin ang stand niya sa pulitika.

 

 

Lumalabas na isa rin pala itong ‘kakampink’. Nagpasalamat ito sa campaign video ng veteran actress na si Boots Anson-Roa.

 

 

      Marami ang pumuri at ang iba ay sinasabing naluha sila sa naging salaysay ni Tita Boots. Malaking bagay na naranasan daw kasi niya ang panahon noong martial law.

 

 

Ayon kay Direk Gina, “Salamat Tita Boots sa napakagandang paglalahad ng iyong mga karanasan, ng iyong mga nakita nung panahon ng diktadura. Maraming salamat at sana ay maraming mga mata at isipan ang mamulat sa iyong pagpapahayag.

 

 

“Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Pilipino! Pakinggan ng Panginoon ang ating mga dasal!”

 

 

Sa isang banda, finale na bukas ng Prima Donnas. Wish pa rin ni Direk Gina na sana raw ay gawan pa rin ng GMA Network ng part 3.

 

 

Pero sa ngayon, aminado ito na excited sa pagbabalik bilang isang actress sa Philippine adaptation ng Start-Up kunsaan, isa sa magandang role ang gagampanan niya bilang well-loved na lola sa serye.

 

 

***

 

 

PASSIONATE at solid “kakampinks” talaga ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta.

 

 

Sa part ni Mark, wala yatang naging campaign rally sina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na hindi ito um-attend at tumugtog kasama ang kanyang banda na Rivermaya.

 

 

      Si Jolina naman, basta wala itong taping o trabaho, sigurado rin na kasama at aakyat ng stage. Madalas ay bitbit din nila ang kanilang dalawang anak na sina Pele at Vika.

 

 

Since may one day raw na walang schedule campaign rally, noong Martes, ang ginawa raw nilang mag-asawa, hinarap muna nila ang mga gawaing bahay na naisasantabi nila dahil nga nagiging busy sila.

 

 

At tulad ng ibang mga celebrities na nagsasabing voluntary at libre ang pagsama nila at pagtindig, nasurpresa rin si Jolina at masaya na makatanggap daw muli ng bouquet of flowers and fruit basket mula sa sinusuportahan sa pagka-Pangulo.

 

 

Ayon kay Jolina, “April 26, walang sched ng rally kaya sa araw na yun ginawa namin lahat ng mga gawaing bahay na nahinto muna dahil sa pagtindig para sa mga anak namin at para sa bansa.

 

 

“Sa gitna ng paglilinis ng bahay at labada, napakagandang bouquet at basket ng prutas na hindi namin inaasahan.

 

 

“Isang inspirasyon ulit na sa rami ng ginagawa nya at dapat pang asikasuhin, di siya nakalilimot magpasalamat at iparamdam na part kami ng puso niya.

 

 

“Kindness and compassion.”

 

 

“Yan ang meron sa ating susunod na Presidente ng Pilipinas. Maraming salamat Ma’am Leni Robredo. Lalaban kami at patuloy na titindig hanggang dulo.”

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Laban ni Holyfield at Tyson hindi na matutuloy

    Tinapos na ng kampo ni boxing legend Evander Holyfield ang usapin na magkakaroon sila ng laban ni Mike Tyson.     Ayon kay Holyfield na hindi kinagat ng kampo ni Tyson ang usapin na ikatlong paghaharap sana nila.     Ayaw aniya nilang masayang ang oras nila na patuloy na panghikayat na humarap si Tyson. […]

  • ‘Back-riding’ para sa mga couple, pinayagan na

    Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na ang back-riding sa mga motorsiklo ay pinapayagan na simula ngayong araw, Biyernes, July 10 ngunit para lamang sa mga couple.   “Yes, simula July 10 ay papayagan na natin ‘yung back-riding para sa mga couples at ‘yung prototype model na [ibinigay] ni Governor Arthur Yap ay approved na […]

  • Plaka sa mga sasakyan, paubos na rin – LTO

    MATAPOS  na sumingaw ang problema sa kawalan ng plastic driver’s license ng mga motorista, inamin din kahapon ng Land Transportation Office (LTO) na paubos na rin ang plaka ng mga sasakyan na maibibigay sa mga motorista.     Ayon sa LTO, ubos na ang plaka para sa mga motorsiklo sa buwan ng Hunyo at ubos […]