Sa tell-all and just for fun interview: Korina, napaamin ang social media star at kaibigan na si Small Laude
- Published on November 12, 2022
- by @peoplesbalita
ANG pinaka-latest talk of the town, ang talk show na ‘Korina Interviews’ na kung saan host ang multi-awarded broadcaster na Korina Sanchez-Roxas, ay muli na namang kagigiliwan ng mga manonood.
Dahil ngayong Linggo, November 13, makaka-chikahan niya ang social media star at kaibigan niyang si Small Laude.
Inamin ni Small na noong bata pa siya ay pangarap niyang maging donya at magkaroon ng sariling chedeng.
May paborito siyang yaya sa lahat ng mga lumabas sa kanyang mga vlogs (sino kaya?).
Dati ay hindi aprubado ng buong pamilya ang kanyang vlogging at na-depress ang kanyang mga anak dahil dito. At ngayon, mas nirerepesto siya ng kanyang asawa.
“Very personal ang kuwentuhan namin dahil matagal na kaming magkaibigan at para lang kayong nag-e-eavesdrop,”
sabi ni Korina.
“Kilala ko na si Small bago pa man siya pumasok sa vlogging at alam ko ang pakiramdam niya na siya ay disempowered. Maligaya ako at nahanap niya ang kanyang sarili sa mundo ng online!”
“I’m telling all. Basta. Of course. No bashing. It’s just for fun. Of course,” sabi naman Small.
Hitik sa katotohan at kasiyahan ngayong Linggo ika-5 nang hapon sa ‘Korina Interviews’ na napapanood sa NET 25.
Maaari ding mapanood ang episode na ito sa YouTube Channel ng ‘Rated Korina’ sa Miyerkules (November 16, 8:00 p.m.).
(ROHN ROMULO)
-
Mas maluwag na GCQ sa NCR Plus, possible
Posibleng ibaba na sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus matapos ang Hunyo 15. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay dahil bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 dito kabilang na rin ang mababang hospital care utilization rate. Sa Metro Manila umano ay gumanda na […]
-
Manila Muslim Cemetry, nilagdaan na ni Isko
PUMIRMA ng ordinasa si Manila Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa pagpapatayo ng isang sementeryo para sa mga namatay na Muslim na residente ng Maynila sa Manila South Cemetary. Sa ilalim ng Ordinasa No. 8608, tinawag nitong Manila Muslim Cemetary na may inilaan na P49,300,000 para sa pagpapaayos ng isang bagong […]
-
Dalang shabu ng kargador, buking
REHAS na bakal ang kinasadlakan ung isang kargador matapos mabisto ang shabu makaraang masita ng mga tauhan ng Maritime Police dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Navotas City. Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/ Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Roger Virgo alyas “Long hair”, 49 ng […]