• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saclag asam makapasok sa gold medal round

PIPILITIN  ni Pinoy bet Jean Claude Saclag na makausad sa gold medal round ng men’s kickboxing sa pagharap kay Vu Truong Giang ng host Vietnam sa 31st Southeast Asian Games ngayon sa Bac Ninh province gymnasium.

 

 

Nakatiyak na ng bronze medal ang 2019 Manila SEA Games champion matapos umabante sa semifinals ng men’s low kick -63.5-kg nang talunin si Souliyavong Latxasak ng Laos, 3-0, noong Linggo.

 

 

Nangako ang 27-anyos na tubong Kalinga na gagawin ang lahat para sapawan ang kanyang Vietnamese opponent sa harap ng mai­ngay na hometown crowd.

 

 

Sakaling manalo si Saclag kay Giang ay lala­banan niya ang magwawagi sa semis duel nina Chalemlap Santidongsakun ng Thailand at San Rakim ng Cambodia para sa gold medal.

 

 

Inaasahang gagamitin ni Saclag ang kanyang pagiging Wushu World Cup champion sa sanda at silver medalist sa Incheon Asian Games noong 2014.

 

 

Kasalukuyan pang luma­laban kagabi sina Daryl Chulipas kontra kay Salmri Stendra Pattisamallo ng Indonesia sa men’s full contact -51 kgs, Honorio Banario laban kay Tanoi Yermias Yohanes ng Indonesia sa men’s -71s kg low kick at Emmanuel Cantores kay Malaysian Ain Kamarrudin sa men’s -60 kgs low kick.

Other News
  • 60 bangkay ng PDLs inilibing sa NBP cemetery

    ANIMNAPUNG  bangkay ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) na matagal nang nakalagak sa isang punerarya ang pinalibing na ng Bureau of Corrections (BuCor), sa New Bilibid Prison (NBP) cemetery sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.     Ang mga inilibing ay kabilang sa 176 na bangkay na matagal nang nakalagak sa Eastern Funeral Homes at […]

  • Feeling legit rock star ang ‘Bagong Oppa Ng Bayan’: DAVID, dream come true na mag-perform sa big crowd

    FEELING legit rock star ang chinito hunk at ‘GoodWill’ bida na si David Chua habang hinaharana ang kanyang rumored jowa at co-star na si Devon Seron sa NET25 Summer Blast music festival, na tinanghal sa Philippine Arena last weekend, May 13. Mahigit 150,000 ang nagpunta sa summer shebang sa Philippine Arena na nilahukan ng ilan […]

  • Health workers nanlulumo na sa pagdami ng COVID-19 cases

    Nanlulumo na umano ang ilang healthcare workers, dahil imbis na bumuti, mas malala pa anila ngayon ang sitwasyon dahil lalo pa ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.     “Nakakawala ng pag-asa, wala nang gana. Marami nang nag-abroad, hindi naman natin sila masisisi kasi even throughout the year marami kaming calls, pero […]