Sakripisyo ng SAF 44, paalala ng kahalagahan ng “national unity”- VP Sara
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
PARA kay Vice-President Sara Duterte na isang “powerful reminder” ang ‘heroic deaths’ ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015 para sa kahalagahan na magkaisa bilang isang bansa.
Ipinahayag ito ni VP Sara sa video message ukol sa National Day of Remembrance of the Heroic Sacrifice ng SAF 44.
“May the lessons learned from this tragic loss inspire us to work together to overcome challenges and strive for a safer and more secure future for all Filipinos,” ang sinabi ni VP Sara.
“SAF 44 is a powerful reminder of the importance of national unity and our collective responsibility to protect our country’s security,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, muling kinilala ni VP Sara ang kabayanihan ng fallen 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) commandos na nasawi sa naganap na Mamasapano Clash.
Ginawa ng bise ang pahayag kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng madugong bakbakan noon.
Batay sa inilabas na statement ng bise, ang ginawa ng SAF 44 ay simbolo ng kabayanihan at sakripisyo para sa Pilipinas.
Kaugnay nito ay nanawagan si Duterte sa mga Pilipino na magkaisa para masolusyunan ang mga hamon na kinakaharap ng bansa.
Magsilbi rin sana itong inspirasyon sa mga Pilipino para magtulungan.
Ang sagupaan sa Mamasapano ay nagsimula sa pagsalakay ng puwersa ng Special Action Force ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP–SAF) saTukanalipao,Mamasapano,
Naganap ang insidente noong madaling-araw ng Enero 25, 2015.
Kung maaalala , aabot sa 44 na tauhan ng pulisya ang nasawi matapos ang pakikipagsagupaan sa mga rebeldeng muslim sa isinagawang operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.
Sa kabila nito ay matagumpay naman ang operasyon kung saan na neutralized ng mga ito ang Malaysian bomb maker and Jemaah Islamiyah leader na si Zulkifli Bin Hir, alias Marwan.
“As we continue to honor their lives and extend our deepest condolences to their families and loved ones, let us also acknowledge the complexities and dangers faced by those who serve in law enforcement and the armed forces,” ang sinabi ni VP Sara. (Daris Jose)
-
MOBILE VACCINATION GUGULONG SA NAVOTAS
MALAPIT nang mag-rollout ng mobile vaccination ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas kung saan prayoridad nito ang mga bedridden na residente o ang may mga sakit na hindi makaalis sa kanilang bahay. “Philippine Red Cross has lent us a vaccination bus that will be used to visit and vaccinate Navoteños who are bedridden or […]
-
Administrasyong PBBM, maglulunsad ng media at information literacy campaign
MAGLULUNSAD ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng media at information literacy campaign habang ang Pilipinas ay pinuputakti ng “disinformation at misinformation.” Sa idinaos na 14th edition ng International Conference of Information Commissioners, ipinagmalaki ng Pangulo ang Freedom of Information (FOI) program. “We also have to highlight that the FOI […]
-
Ads November 7, 2022