• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Samples ng 8 pasaherong kasama ng lalaking positibo sa UK COVID-19 variant, ipinadala sa genome center

Ipinadala na ng Philippine Red Cross  (PRC) sa Phippine Genome Center ang mga samples mula sa walong pasaherong nakasama ng nagpositibo sa UK variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Una rito kinumpirma ng PRC na positibo sa Coronavirus ang walong pasaherong kasabay ng Pinoy na dumating a bansa.

Ayon sa Red Cross, ipapadala sa Philippine Genome Center ang naturang mga samples para malaman kung ano ang variant ng virus na tumama sa kanila.

 

Kung maalala dumating sa Pilipinas galing Dubai ang nasabing pasyente na taga Kamuning sa Quezon City.

Sa ngayon ayon sa Quezon City Health Office, wala nang sintomas ang covid ang lalaking nakitaan ng UK variant.

Other News
  • PBA bubble nilindol

    WALANG nai-report na mga nasaktan at kasiraan sa lindol Sabado ng gabi sa Philippine Basketball Association (PBA) bubble sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga.   Ipinahayag kahapon ni ni PBA Commissioner Wilfrido Marcial na nakumpirma lang niya ang lindol sa mga tumawag na nagtanong sa kanya at may ilang players din sa […]

  • Hotshots ikakasa ang bonus vs Bolts

    ISANG panalo na lang ang kailangan ng nangu­ngunang Magnolia para makapasok sa Top Four sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup.     Sasagupain ng Hotshots ang Meralco Bolts ngayong alas-6 ng gabi matapos ang banggaan ng NorthPort Batang Pier at Blackwater Bossing sa alas-3 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.     Kasalukuyang pinamumunuan ng […]

  • Sampung taon na pero never pang nakita ang ama: ANGELICA, ibinahagi ang pinagdaraan nila ng anak na si ANGELO

    PUNUM-PUNO ng damdamin na ibinahagi ni Angelica Jones ang tungkol sa pinagdaraanan niya at ng kanyang sampung taong gulang na anak na lalaki na si Angelo.   Mula kasi nang isilang si Angelo ay never pa nitong nakaharap ang ama niya.   At dahil gaganap si Angelica bilang ina ng bidang si Beaver Magtalas sa […]