• April 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sampung taon na pero never pang nakita ang ama: ANGELICA, ibinahagi ang pinagdaraan nila ng anak na si ANGELO

PUNUM-PUNO ng damdamin na ibinahagi ni Angelica Jones ang tungkol sa pinagdaraanan niya at ng kanyang sampung taong gulang na anak na lalaki na si Angelo.

 

Mula kasi nang isilang si Angelo ay never pa nitong nakaharap ang ama niya.

 

At dahil gaganap si Angelica bilang ina ng bidang si Beaver Magtalas sa pelikulang ‘Magic Hurts’ ay naibuhos ni Angelica ang kanyang saloobin bilang isang ina sa mismong story conference ng Magic Hurts.

 

“Noong sinabi sa akin ni direk kung gusto ko bang gawin itong movie na ‘to, sabi ko, ‘Direk, gusto ko yung role ko, dahil marami pa akong luhang gustong ilabas. Marami pa akong pain at hurts na kailangang maghilom.’
Baka sa Baguio baka totally maghilom yung sugat,” sinabi ni Angelica.

 

Ang direktor ng pelikula ay si Gabby Ramos at sa Baguio at Benguet kukunan ang kabuuuan ng Magic Hurts ng Rems Films Production.

 

Inihayag rin ni Angelica na masama ang kanyang loob sa ama ng kanyang anak na ayaw diumanong pirmahan ang birth certificate ng kanilang anak.

 

“Yung birth certificate niya kasi nawala nung pandemic. So, until now, wala pang birth certificate yung anak ko, wala hong pirma nung daddy niya.

 

“So kailangan yung documents na affidavit na galing sa St. Luke’s na pirma ng dad niya, para makakuha ng passport para makaalis yung anak niya.

 

“Plano naming pumunta ng Paris,” pahayag pa ni Angelica.

 

Ayon pa sa aktres, kinausap siya ng anak niya, na gusto nitong makilala ang kanyang ama. Gusto pa nga raw puntahan ng bata ang ama nito.

 

“So ngayon, first time lang ng anak ko na nag-request na ‘Mommy, can we go to Batangas? After 10 years, ngayon ko lang kakausapin si Daddy…’

 

“And para dun sa kanyang birth certificate na dapat niyang pirmahan.
“Ang nakakalungkot nga na excited na makita ng anak ko yung dad niya, ano yun, as casual na parang civil… hindi siya humarap sa anak ko. Hindi rin niya pinirmahan.”

 

Basag na ang boses ni Angelica habang ikinukuwento na, “Ilang days na nakita ko yung anak ko na nag-iiyak.

 

“Ang sabi niya sa akin, ‘Mommy, masama ba akong anak?’ Sabi ko, ‘Hindi.’

 

“‘Mommy, honor naman ako every year, naging mabuti naman akong anak.’

 

“Ang dami niyang award. Pero nung birthday, awards, medals, recognition, New Year, Christmas, kahit isang beses, hindi naalala yung anak ko.

 

“Kahit ibinigay ko na yung number ng dad niya sa kanya, para directly mag-text, even sa messenger, hindi rin siya sinasagot, binlock din siya ng daddy niya.”

 

Laking-pasasalamat naman ni Angelica na kinilala naman raw ang kanyang anak ng mga lolo at lola nito na magulang ng ama ng kanyang anak, pero pumanaw na ang mga ito.

 

Samantala bukod kina Angelica at Beaver ay nasa ‘Magic Hurts’ sina Mutya Orquia, Maxine Trinidad, Dennis Padilla, Ricardo Cepeda, Archie Adamos, Panteen Palanca, Whitney Tyson, Blumark Roces, Aileen Papin, Quia Barretto, Dennah Bautista at Cassie Kim.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Nagpa-surprise ang mag-asawang Dingdong at Marian: ZIA, nagkaroon ng dalawang 7th birthday celebration

    DALAWA ang naging birthday celebration ng panganak na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes.   Sa actual date ng birthday niya at noong Linggo, November 27. Sa mismong birthday ni Zia, tila nagpa-surprise ang mag-asawa at walang idea si Zia na may naghihintay na surprises sa kanya. Pamilya at mga […]

  • ‘Di ikinasama ng loob ang sinabi ng direktor: EUGENE, never na-consider na magpa-noselift

    HINDI inakala ng Sparkle artist na si Kim Perez na magte-trending siya noong magkaroon na ng love triangle sa GMA primetime teleserye na ‘Hearts On Ice’.     Ginagampanan ni Kim ang role na Bogs, ang best friend ni Enzo (played by Xian Lim) na naging secret admirer ni Ponggay (played by Ashley Ortega).   […]

  • Fajardo nakalikom ng P25-K sa paglalaro ng DOTA 2 na itutulong sa mga nasalanta ng bagyo

    Nakalikom ng halos P25,000 ang inilunsad na game channel ni PBA star June Mar Fajardo para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.   Naisip ni Fajardo mag-livestream ng kaniyang laro sa DOTA 2 para makalikom ng pondo na pantulong.   Dagdag pa nito na wala itong inilaan na minimum  na halaga kung magkano ang puwedeng […]