Sana ako si Santa Klaus (1)
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
PASKO 2020 na po sa darating na Biyernes, Disyembre 25.
At kagaya po nang nakagawian ng Opensa Depensa sapul noong 1997 dito sa People’s BALITA Sports, may mga gusto po akong mangyari o ako po’y may mga kahilingan sa ating Dakilang Diyos.
O sana ako lang po si Santa Klaws para matupad ang aking mga Christmas wish sa ating mga atleta at opisyal sa sports
Narito po sila:
Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez – Makalipas pamunuan sa overall championship ang Pilipinas sa 2015 Southeast Asian Games at 2019 SEA Games pareho sa ating bansa, nawa’y makamit na rin ng mga Pinoy ang hindi lang unang gold medal, dalawa o higit pa sa 32nd Summer Olympics Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa Hulyo 2021 dahil Covid-19.
Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham’Bambol’ Tolentino – Makatuwang ng PSC at mga national sports associations (NSAs) para sa misyon ng ‘Pinas sa Olympic gold, na hindi lang sana isa kundi lampas pa sa nasabing bilang.
Pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena – Makakopo ng Tokyo Olympic gold para hindi naman masayang malaking ginasta ng gobyerno o PSC sa Italy training camp at pagkalinga rin ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa pamumuno ni president Philip Ella Juico.
Gymnast Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo – Kagaya ni Obiena, makaginto rin sana sa Tokyo Games dahil din sa malaking gastos na sa kanya ng pamahalaan o nabanggit na sports agency, at asikaso rin ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa pagti-training sa Japan.
Boxer Eumir Felix Marcial – Sawa na ang Diwang Kayumanggi at ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa silver at bronze medals sa mga nakaraang Olimpiks mulasa iyong sport, kaya dapat gold na ang maupakan mo o ninyo ni Irish Magno sa Japan lalo’t inaruga rin kayo ng PSC.
National Sports Associations (NSAs) – May makapasa pang mga atleta ninyo para masamahan ang mga pambato ng PATAFA, GAP, at ABAP sa papasok na taong Olympics sa mga darating na buwang pagsali ng inyong mga manlalaro sa iba’t ibang Olympic Qualifying Tournament (OQT).
Hanggang po bukas uli. (REC)
-
800 pamilya nasunugan sa Maynila, inayudahan
UMAABOT sa 800 pamilya na nabiktima ng sunog kamakailan ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Manila City Government. Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa pamamahagi ng tig-P10,000 cash aid, kasama si Re Fugoso, na siyang pinuno ng Manila Department of Social Welfare (MDSW). Ayon kay Lacuna, bagamat […]
-
45 BI officers sa ‘Pastillas’ pinasisibak ng Ombudsman
PINASISIBAK ng Office of the Ombudsman (OMB) sa serbisyo ang 45 officials at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “Pastillas” extortion scheme. Batay sa 143-page decision ng Ombudsman noong March 21, napatunayang nagkasala o “administratively liable for grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service” ang […]
-
Itinangging hiwalay na sila ni Regine… OGIE, pinayuhan na gayahin si MON na sampolan ang nagkakalat ng ‘fake news’
NAGING usap-usapan sa social media at maging sa mga taong mahilig sa balitang showbiz na hiwalay raw mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Dagdag pang balita na kapwa inaasikaso na raw ng dalawang Kapamilyang singers ang kanilang divorce paper. Siyempre nakarating naman ito agad sa kaalaman ni Ogie at […]