• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sandro, iba pang Marcoses sa Ilocos Norte, pinroklamang panalo sa local polls

LAOAG CITY, Ilocos Norte- PINROKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) ang political neophyte na si Sandro Marcos bilang panalo sa first district congressional race sa Ilocos Norte, araw ng Martes.

 

 

“Maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga kakailian. Napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po ang unang beses na may Marcos na tumakbo sa unang distrito,” ayon sa 27 taong gulang na si Sandro.

 

 

Ang unang distrito ang sinasabing naging “stronghold” ng mga Fariñases, kung saan si Ria, anak na babae ng beteranong politiko at dating congressman Rodolfo “Rudy” Fariñas, ay incumbent.

 

 

Napadapa ni Sandro si Ria nang makakuha ang una ng 108,423 boto laban sa 83,034 boto ng huli.

 

 

Matapos ang proklamasyon, sinabi ni Sandro na susubukan niyang itulak ang mga batas na nakatuon sa agrikultura, hanapbuhay at technological improvement sa first district ng lalawigan.

 

 

Ang pinsan naman ni Sandro na si Matthew Marcos Manotoc, ay nasungkit ang kanyang panibagong termino matapos na talunin nito ang veteran politician at ama ni Ria na si Rodolfo “Rudy” Fariñas. nakakuha si Manotoc ng 229,161 boto laban sa 82,136 boto ni Fariñas.

 

 

Ang iba pang miyembro ng Marcos clan na pinroklamang nanalo ay sina Cecilia Araneta Marcos na nasungkit ang pangalawang termino bilang vice governor ng Ilocos Norte. Angelo Marcos Barba ay pinroklama rin bilang “winner” para sa pangalawang termino bilang first district representative ng lalawigan.

 

 

Si Michael Marcos Keon, tiyuhin nina Sandro at Matthew ay pinroklama bilang Laoag city mayor-elect, araw ng Martes. (Daris Jose)

Other News
  • HEART, three years old palang mahilig na sa high heels at namakyaw ng branded shoes nang mag-sale si RUFA MAE

    THREE years old pa lamang pala si Kapuso actress Heart Evangelista ay hilig na niyang magsuot ng high heels.      Ikinuwento ito ni Heart sa kanyang vlog na ipinakita niya ang collections niya ng mga high heel shoes.  Three years old daw siya nang isuot niya ang high heels ng mommy niya at bumaba […]

  • Panukalang nationwide, Luzon-wide academic break kinontra ng CHED

    Tinabla ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga panawagang magpatupad ng academic break sa buong bansa o sa Luzon kasunod ng serye ng mga bagyong tumama sa Pilipinas.   Una rito, ilang mga pamatasan ang nagpatupad ng isang linggong class suspension dahil sa iniwang epekto ng mga bagyo, na nagdulot ng problema sa distance […]

  • Iran, bukas na palayain ang natitirang ST Nikolas crew sa oras na mapalitan-DFA

    PAHIHINTULUTAN ng Iran na palayain ang lahat ng crew members ng kinumpiskang ST Nikolas sa oras na dumating na ang kanilang kapalit na magbabantay sa barko. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may 17 mula sa 19 na orihinal na crew members ang nananatiling sakay ng ST Nikolas matapos palayain ang isang Filipino […]