• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sanib-pwersa ang mga ‘Bagong Idolo ng Senado’… MONSOUR, RAFFY, at Gen. ELEAZAR, maaasahan sa maayos na trabaho na walang kinatatakutan

NAGSANIB pwersa sa kanilang kampanya ang tatlong senatorial candidates na may iisang layunin na makapaglingkod sa sambayanang Pilipino.


Sina Monsour Del Rosario, Raffy Tulfo, at Gen. Guillermo Eleazar ang tinagurian mga “Bagong Idolo ng Senado. Dinumog ang tatlong kandidato sa naganap na grand rally nitong May 5 sa Cauayan, Isabela, ang hometown ni Tulfo, Bagamat maituturing na bagito sa pagka-Senador, sina Del Rosario, Tulfo, at Eleazar ay kapwa marami nang naiambag sa lipunan. Lahat may track record, may kredibilidad, at walang bahid ng korapsyon. Si Monsour Del Rosario ay siyam na taon nang nasa public service. Matapos lisanin ang showbiz, anim na taon siyang nagsilbing konsehal sa District 1 ng Lungsod ng Makati, hanggang sa maging congressman mula 2016 hanggang 2018.


Sa tatlong taon niya sa Kongreso ay nakapagtala siya ng 292 house bills and resolutions, kabilang na ang Telecommuting Act o mas kilala bilang Work From Home Law na napakinabangan nang husto ng maraming Pilipino nang pumutok ang pandemya noong 2020. “Si Monsour ay nagbigay ng karangalan sa ating bayan way back in 1988. Olympian siyang maituturing. Bukod pa riyan, siya ay naging miyembro ng 17th Congress so meron siyang karanasan bilang isang legislator,” ayon kay Tulfo.


“Okay ito maging kasama sa senado. Walang kakatakutan pagdating sa tama. Pag kami’y nagkasama sa senado, maaasahan niyo po gagawa kami ng maayos na trabaho na walang kinatatakutan – lahat tablado, lahat ng mga loko-loko,” dagdag pa niya. Samantala, sa pamamagitan ng kanyang mga programa sa radyo at telebisyon, pati na sa kanyang Youtube channel, ay ilang libong ordinaryong mamayang Pilipino na ang natulungan ni Raffy Tulfo.


Mula sa pagsugpo sa mga mapang-abusong employer, tiwaling opisyal ng gobyerno, at hanggang sa alitan ng magkakapitbahay o magkakamag-anak ay natutulungan ni Tulfo na mailapit ang mga tao sa tamang kinauukulan upang mabigyang solusyon ang kanilang problema at makatanggap sila ng hustisya. Napatunayan naman ni Guillermo Eleazar ang kanyang tapang at integridad sa ilang dekadang pagsisilbi sa bayan bilang isang pulis. Taong 2021 nang maabot ni Eleazar ang pinakamataas na posisyon sa pulisya bilang Chief ng Philippine National Police.


Ginawaran rin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Philippine Legion of Honor award noong 2021, na isa sa pinakamataas na antas ng karangalan sa bansa. Sa kanyang pagtakbo sa Senado, nais ipagpatuloy ni Eleazar ang kanyang hangarin na masugpo ang krimen at paigtingin ang peace and order sa bansa upang matulungan umangat ang ating ekonomiya. “Kung kami ay papalaring makapasok sa Magic 12 ng senado, excited akong makatrabaho sina Raffy Tulfo at Gen. Guillermo Eleazar na alam kong tapat ang puso at isip para sa pagseserbisyo. Napakarami na nilang natulungan bilang brodkaster at bilang pulis kaya alam ko na mas marami pa silang matutulungan sa senado.


“Magkakasama naming itutuloy ang mga nasimulan ko noong ako ay nasa kongreso pa at ipaglalaban namin ang karapatan at kapakanan ng bawat Pilipino. Nagpapasalamat ako sa mga kababayan ni Idol Raffy dito sa Isabela sa inyong mainit na pagtanggap sa Team Monsour,” wika ni Del Rosario.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • DOH: ‘Karamihan ng namamatay sa COVID-19 sa Pilipinas, edad 60-69’

    Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nagbago ang demographics o populasyon ng mga namamatay dahil sa COVID-19 sa bansa.   Pahayag ito ng ahensya matapos lumabas ang ulat tungkol sa ilang kaso ng COVID-19 deaths sa mga kabataan.   Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nasa hanay pa rin ng matatanda at […]

  • Pinoy athletes, kanya-kanya ring diskarte sa gitna ng COVID pandemic

    Pumapatok ang mga negosyo ng Filipino athletes na kanilang paraan sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.   Tulad nalang ng Philippine Basketball Association (PBA) players na sina Blackwater Elite forward Carl Bryan Cruz at ng kanyang girl friend na nagtitinda ng cleaning and disinfectant tools tulad ng alcohol, dishwashing liquid at iba pa. […]

  • AFC Cup 2020 kinansela na dahil sa COVID-19 pandemic

    Kinansela na ang Asian Football Confederation ang AFC Cup 2020 dahil sa coronavirus pandemic.   Ayon kay AFC President Shaikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa , na isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng lahat kaya minabuti nilang kanselahin ang torneo.   Mula pa noong Marso ay kanselado na ang mga laro at nakatakda sana itong ituloy […]