Santiago, Ageo Medics kampeon sa V.League
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
HUMAMBALOS ng mahalagang 11 points sa pamamagitan ng nine attacks at two blocks si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago para kargahin ang Saitama Ageo Medics sa pagtaob sa NEX Red Rockets, 26-24, 20-25, 25-21, 25-17 upang magkampeon sa 27th Japan V.League Division 1 V Cup 2021 sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo Linggop, Marso 28.
Naging unang Pinay na balibolista ang 25 taong-gulang, 6-4 ang taas at isinilang sa Tanza, Cavite na nakakopo ng korona sa isang indoor women’s volleybvall league sa labas ng ‘Pinas.
Ineklipsehan din ng middle blocker ang PH record na niya noong Enero 2020 na bronze medal finish sa nasabi ring liga at koponan.
Dagdag prestihiyo pa sa dalaga at Medics na hindi natalo pitong laban sa torneo at diniin na hindi rin tsamba ang pagwalis sa Rockets sa qualification match via straight sets. (REC)
-
NCR nasa ‘moderate risk’ na – OCTA
NASA ‘moderate risk classification’ na muli ang National Capital Region (NCR) maging ang mga karatig-lalawigan na Rizal at Cavite dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19, ayon sa OCTA Research Group. Base sa COVID Act Now, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nasa 23.01 kada […]
-
Mga aktibidad sa Chinese New Year, kanselado sa Maynila
WALA na ring magaganap na anumang kasiyahan at aktibidad sa darating na Chinese New Year sa Maynila bilang bahagi pa ng pag-iingat na magkahawaan ng COVID-19. Kabilang sa mga ipinagbawal ni Manila City Mayor Isko Moreno ang tradisyunal na mga parada, lion at dragon dance, pagsisindi ng mga paputok sa kalsada, street parties, […]
-
Jordan positibo sa Covid-19
UNITED STATES – Pakiramdam ng isang National Basketball Association (NBA) star ay timaan siya ng malas matapos magpositibo sa novel coronavirus isang buwan bago magsimula ang muling pagbubukas ng liga. Ayon kay Brooklyn Nets star DeAndre Jordan na na-diagnosed siya na positibo sa Covid-19 ilang araw bago tumulak papuntang Florida para sumabak sa training camp. Sinabi ni Jordan malabo na siyang […]